Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-19 2010

(GMT+08:00) 2010-09-14 15:41:18       CRI

Isinahimpapawid noong Ika-28 ng Agosto

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Buksan natin ang edisyong ito ng Gabi ng Musika sa pamamagitan ng pag-aalay ng maikling panalangin para sa mga biktima ng hostage-taking sa Maynila. Manalangin tayo...

Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng mga tagapakinig na nagpadala ng kanilang mensahe ng pakikiramay sa buong sambayanang Tsino kaugnay ng nabanggit na pangyayari. Maraming-maraming salamat po!

Nat at Natalie Cole sa awiting "Unforgettable," na lifted sa album na "Closer: When Pop Meets Jazz."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang e-mails.

Sabi ni Ebeth ng Mistyeyed119@ymail.com: "Kuya Ramon, ang pinakamaganda niyan, aminin na lang ng kapulisan natin na nagkulang sila sa naganap na insidente ng pangho-hostage ng mga turista mula sa Hong Kong. Iyon ay isa ring paraan para maipakita ang kanilang sympathy sa mga kamag-anakan ng mga namatay."

Sabi naman ni Rosalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Kuya Mon, noong una pa, dapat pinakialaman na ng matataas nating opisyal ang hostage-taking incident para hindi na umabot sa kamatayan ng ilang biktima. Hindi ko alam kung bakit tahimik na tahimik sila noon."

Salamat, Ebeth at Rosalyn.

Mula sa album na pinamagatang "November's Chopin 11, iyan ang awiting "Evening Music," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jay Chou.

Tunghayan naman natin ang mga e-mails.

Sabi ng 919 564 9010: "Kuya Mhon, sana makarating sa mga biktima ang aking pakikiramay sa kanila. Kung anu-ano ang naramdaman ko dahil sa nangyaring ito. Sana maghilom agad ang sugat na likha nito."

Sabi naman ng 917 483 2281: "Kuya RJ, allow me to convey my condolences to the families of the victims who perished in the incident of tourist bus hijacking. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ito ni Capt. Mendoza. Blangkong blangko ang isip ko dito."

Sabi naman ng 921 577 9195: "Kuya Mon, nakikisimpatiya ako sa mga biktima ng pangho-hostage ng tourist bus ng Hong Kong. Kahit saang anggulo mo tingnan, talagang maling mali sila, ang ating kapulisan at higher authorities."

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

Pang Long sa kanyang awiting "You Are my Rose," na hango sa album na may katulad na pamagat.

Mga SMS pa.

Sabi ni Boyet ng Taguig, Metro Manila: "Good evening, CRI. Kahit ako ay dismayado sa ginawa ng aming negotiators sa kaso ng pangho-hostage ng mga Hongkongese na turista. I'm really very, very sad."

Sabi naman ni Pom ng Sta. Ana, Manila: "Kuya Ramon, ikinahihiya ko po ang mga miyembro ng kapulisan natin. There was a total failure in the negotiation process. Kung nagpakahinahon sila, wala sanang nasaktan at namatay at hindi sana tayo napahiya."

Sabi naman ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Kuya Ramon, mali ang ginawa ni Police Captain Mendoza, pero mas lalo namang mali ang ating negotiating team. Kahiya-hiya sila. Nakikiramay ako sa buong sambayanang Tsino at nakikidalamhati sa mga kamag-anakan ng mga di-pinalad na makaligtas.

Salamat din sa inyo. Maraming-maraming salamat.

Iyan naman si Bandari sa kanyang "Star of Baghdad," na hango sa album na may pamagat na "Wonderland."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition ng ating Gabi ng Musika sa araw na ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>