|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Ang kuwento ni Chang E ay nagiging mahalagang elemento sa iba't ibang parang pansining
Ayon sa alamat, si Chang E ay isang bathala ng buwan at ang kanyang asawa na si Hou Yi ay isang mahusay na mamamana. Noong unang panahon, naghuhuramantado sa mundo ang mga mababangis na hayop na nanginginain ng mga tao. Ipinadala ng Diyos si Hou Yi pababa sa mundo para lipulin ang mga hayop na iyon. Bumaba si Hou Yi sa lupa mula sa langit kasama si Chang E. Nang malipol ni Hou Yi ang mga hayop, biglang lumitaw nang sabay-sabay sa langit ang sampung araw. Ang mga araw ay mga anak ng Diyos. Kay tindi ng init ng panahon noon dahil sa sampung araw. Hindi nakakatagal ang mga tao. Marami-raming tao ang namamatay.
Pinayuhan ni Hou Yi ang mga araw na huwag sama-samang lumabas at ang dapat ay lumalabas nang halinhinan. Masyadong mayabang ang mga araw at ayaw nilang pansinin ang matapat na payo ni Hou Yi. Hindi na nakakatiis pa si Hou Yi sa huramantado ng mga ito at pumana pabagsak siya ng siyam na araw at ito ang naging dahilan kung bakit ngayon ay may iisang araw lamang sa langit.

Gayong lamang ang galit ng Diyos at hindi pinayagang bumalik muli sa langit ang mag-asawa ni Hou Yi.
Binigyan ng Bathala ng Xiwangmu na nakatira sa Bundok ng Kunlun si Hou Yi ng gamot. Sinumang uminom ng gamut na iyon ay di mamamatay. Ninakaw iyon ng asawa niyang si Chang E mula sa pinagtataguang baul. Pagkainom niyon'y naging pagkagaan-gaan ni Chang E hanggang sa lumulutang siya papuntang buwan sa ika-15 araw ng ikawalong buwan ng tradisyonal na kalendaryong Tsino na napataon sa Pista ng Kalagitnaan ng Taglagas o Pista ng Kalagitnaan ng Ikawalong Buwnan ng taon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |