|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-4 ng Setyembre
Hello there! Ito po si Oline, just pitching in for Kuya Ramon Jr. para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni Rolly de Mesa ng 3M Philippines, malupit daw pala ang kalikasan. Milyong tao daw ngayon ang nagdurusa sa Pakistan at iba pang lugar ng mundo dahil sa matinding baha. Iyan daw ang resulta ng pang-aabuso natin sa kalikasan. Kasalanan daw nating lahat iyan.
Hay, naku, sinabi mo pa, Rolly. Talaga naman.
Iyan ang Nan Quan Mama sa awiting "Touch the Night," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Oline, pitching in for Kuya Ramon Jr.
Sabi ni Pearl ng St. Luke's Hospital: "Napakinggan ko Gabi ng Musika last Saturday. Maganda opening. Very touching, prayerful and truly reaching out. Congrats, duds!"
Sabi naman ni Pom ng Sta. Ana, Manila: "Salamat sa pag-e-ere ng mensahe ko para sa mga biktima ng hijacking. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa ang lungkot na dala ng mga pangyayari."
Sabi naman ni Lily ng B. F. Homes Paranaque: "Nakita ko ang big picture ng devastating effect ng baha sa Pakistan. Talagang kalunus-lunos lagay nila doon. O Lord, have mercy."
Sabi naman ni Sunshine ng Antipolo, Rizal: "Kuya Mhon, w8 lang kami sa additional features mo sa Dear Kuya RJ blog. I love surprises."
Thank you so much.
Mula sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002," iyan ang awiting "New," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Dao Lang.
Sabi ni Viviane ng PUP: "Di kita mami-miss ngayon. Lagi kang nasa balita ninyo. Masaya ako araw-araw cyempre dahil kapiling kita, hehehe…"
Sabi naman ni Weng ng Shunyi, Beijing: "It's worth our time listening to your programs because it's worth our time to listen to your voice."
Sabi naman ni Nely ng West Coast Way, Singapore: "Let's give a listen to the voice of the loving DJ. He is the no. 1 and the only one."
Sabi naman ni Poska ng Poskadot610@hotmail.com: "Nice to hear from Mr. Soft Spoken. I would rather that he be the president of the Philippines. He is more knowledgeable."
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Jolin Tsai sa awiting "Paradise," na lifted sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."
Sabi ni Ebeth ng Mistyeyed119@ymail.com: "Kuya Mon, magaganda mga sinabi ninyo ni Ate Jade sa inyong special program. Napalabas niyo tunay na sentiments ng mga Pilipino at Hongkongese sa hijacking."
Sabi naman ni Claudine ng Sta. Catalina College: "Kuya Mon, napakinggan ko special coverage niyo hinggil sa hostage-taking sa Quirino Grandstand. Congratulations sa inyo nina Ate Jade at Ate Sarah. Well done!"
Sabi naman ni Dr. George ng George_Medina@yahoo.com: "Alam mo Ramon, talagang matalino iyang si Senator Angara. Siya ang president ng UP noong ginagawa ko ang dissertation ko doon."
Salamat sa inyong mga mensahe.
Iyan naman si Kenny G sa kanyang "Jasmine Flower," na hango sa album na pinamagatang "Miracles: The Holiday." At diyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Oline at sa ngalan ni Kuya Ramon Jr., thank you for listening. Bye!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |