Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-21 2010

(GMT+08:00) 2010-09-30 14:49:05       CRI

Isinahimpapawid noong Ika-11 ng Setyembre

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Hinihintay-hintay ko ang tawag ni Super DJ Happy. Baka makasagap tayo ng balitang artista. Kung minsan, maganda rin iyong nakakapakinig tayo ng mga balita hinggil sa daigdig ng mga artista para maiba-iba naman ang laman ng utak natin. Mahirap din kung lagi na lang tayong seryoso, eh, di ba?

Medyo nag-iiba na ang klima ngayon dito sa Beijing. Parang naaamoy na ang padating na autumn. Walang iniwan iyan diyan sa atin sa Pinas, na pagpasok ng ber month, parang naaamoy na natin ang parating na Kapaskuhan, di ba?

Petula Clark binubuksan ang ating munting palatuntunan ngayong gabi sa awiting "Downtown." Ang track na iyan ay hango sa collective album na may pamagat na "The Best of Artists and Groups."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages.

Sabi ni Toni Rose ng Pasay City: "Kuya Mon, puwede ring masabi na iyong mga programs mo ay programs of values. Iyon ay kung ibabatay sa mga laman ng text messages."

Sabi naman ni Mary Anne ng Bataan General Hospital: "Right, Kuya RJ! Let the love flow through Gabi ng Musika at Dear Seksiyong Filipino."

Sabi naman ni Brenda ng West Coast Way, Singapore: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya Mhon. Talagang palaban ka sa SW. Ipinagmamalaki ka namin."

Sabi naman ni Rona ng Norzagaray, Bulacan: "Kuya Mhon, wala na akong makikitang service sa ibang SW stations na tulad ng Filipino Service ninyo. Talagang ito ay personalized service. Kahanga-hanga ang inyong malasakit sa mga tagapakinig."

Maraming maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

Barry White sa kanyang tugtuging "Love's Theme," na nagsilbi namang theme music ng popular na tv series na "The Love Boat." Ang track na iyan ay hango sa album na may pamagat na "Closer: When Pop Meets Jazz."

Salamat sa lahat ng mga kababayan sa Shunyi at Chaoyang, Beijing. Sabi nila, regular daw ang pagbisita nila sa aming website na filipino.cri.cn. Mabuhay kayo!

Ipinaaalala ko na kung mayroon kayong comments o suggestions na may kinalaman sa aming mga programming, ipadala ninyo ito sa 921 257 2397 kung sa SMS at sa Filipino_section@yahoo.com kung sa e-mail.

Sabi ni Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga: "Tanggapin natin ang mapait na katotohanan na malala ang kalagayang pangkapaligiran at pangkalikasan natin and it's all our fault."

Sabi naman ni Stephanie ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Congrats sa China, 25th most competitive country in the world."

Sabi naman ni Conrad ng Balanga, Bataan: "Mabuti naman, Kuya Ramon, at inako ni Tata Noynoy ang responsibilidad sa naganap na hijacking ng mga turista."

Iyan naman si Zhou Bichang sa awiting "Miss You So Much," na buhat sa album na pinamagatang "Super Girls' Voice."

Ituloy pa natin ang pagbasa ng mga SMS.

Sabi ni Sarah Samudio ng AMA Computer College: "Kuya Mhon, sana matapos na ang imbestigasyon sa hostage taking para makahinga na tayo nang maluwag."

Sabi naman ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "I like the female version of your Gabi ng Musika last September 4. Sounds good. U R a real trooper, Kuya Mon!"

Sabi naman ni Lara Carpio ng Shunyi, Beijing: "Tama sabi ninyo sa Gabi ng Musika intro ninyo. Tayo ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito ang lagay ng panahon natin."

Thank you so much.

Mula sa album na pinamagatang "Michael Fairy Tale," iyan ang awiting "SMS," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guang Liang.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>