|
||||||||
|
||
September 18, 2010 (Saturday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Kung nakikinig si Mark Legion ng Taguig, iyong request mong libro't CD ng Chinese lessons ay naipadala na namin. Paki-abangan mo na lang.
Mamaya meron tayong balitang artista. Mag-uulat si Super DJ Happy mula sa Maynila. Hahatdan niya tayo ng balita na may kinalaman sa buhay ng ating mga kilalang TV at movie personalities. Hindi ba nabanggit ko na noong nakaraan na hinihintay-hintay ko iyong tawag ni Super DJ Happy? Pero mamaya iyan. In the meantime. Bigyang-daan muna natin ang ating pambungad na bilang.
Guang Liang sa awiting "Heaven," na hango sa album na may pamagat na "Michael Fairy Tale."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Bigyang-daan natin ang ilang bating pang-Mid-Autumn Festival.
Sabi ni Dina ng Pasig City: "Kuya Ramon, isang matunog na greetings para sa mid-Autumn Festival. Sarapan mo ang kain ng hopia para ka tumaba at enjoy na rin your holiday."
Sabi naman ni Christy ng Shunyi, Beijing, China: "Happy Mooncake Festival, Kuya Mon and everybody! Sana tuluyan ngang magkaroon kayong lahat diyan ng masaganang ani."
Sabi naman ni Mulong ng Iridium, Augusto Francisco: "Ka Ramon, malapit na pala kayong mag-celebrate ng Mooncake Fest. Maligayang bati!"
Sabi naman ni Shiena ng Felix, Sta. Ana, Manila: "Happy mid-Autumn Festivities, duds. Please enjoy your mooncake and the fun."
Sabi naman ni Bernie ng Paco, Manila: "Happy Mooncake Festival, Kuya RJ. May you enjoy the peace of the Lord always ang forever."
Maraming-maraming salamat sa inyo. Likewise, happy mid-Autumn Festival din.
Iyan naman si Pang Long sa awiting "Home in the Northeast," na buhat sa album na pinamagatang "Two Butterflies."
Ngayon, bigyang-daan natin ang ulat ni Super DJ Happy. Pasok, Ka Happy!
Mula sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?" iyan ang awiting "Everybody," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jacky Cheung.
Sabi ng 921 577 9195: "Mahusay reporter niyo sa Sichuan. Malinaw mag-ulat. Talagang Pilipino, ano?"
Sabi naman ng 928 844 6164: "Suwerte naman ng tagapakinig ninyo. Nakapunta ng China nang walang gastos. Ako kaya, kelan?"
Sabi naman ng 910 114 1167: "Matagal na rin akong nakikinig sa Serbisyo Filipino. Sana mabisita ko rin ang China sa tulong ninyo para libre gastos."
Sabi naman ng 918 730 5080: "Ang masasabi ko lang ay napakasuwerte ng listener ninyo na nanalo ng inyong contest. Nakapunta siya sa lalawigan ng mga panda for free."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Iyan naman ang walang-kupas na awiting "All of My Life" ni Diana Ross. Ang particular track na iyan ay buhat sa album na pinamagatang "The Best of Artists and Groups."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang episode sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |