|
||||||||
|
||
September 25, 2010 (Saturday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Happy birthday kay Jeremiah ng Iridium, A. Francisco. Pasensiya ka na, ngayon lang kita mababati. Ano ba ang handa natin diyan? Ikain mo na lang ako, ha?
Sabi ni Evangeline ng Chaoyang District, Beijing, magkakasama raw silang nakikinig ng roommates niya sa aming website every day.
Salamat sa iyo at iyong mga kasama, Evangeline.
Salamat din kay MJ Foster ng Finland. Regular daw niyang binibisita ang aming website.
Narinig ninyo si Willy Nelson sa kanyang sariling version ng "Fire and Rain."
Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "The Best of Willy Nelson."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si R-A-M-O-N Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang short notes mula sa mga tagapakinig.
Sabi ni Lara ng Shunyi, Beijing, China: "Maligayang bati para sa Mooncake Festival. Kasihan ka sana ng magandang suwerte all the time, Kuya Ramon Jr.!"
Sabi naman ni Janice ng Beijing, China: "Kuya Mhon, best wishes on Mid-Autumn Festival. Gumagawa na sila rito ng super laking hopia! Super laking suwerte para sa super bait naming DJ!"
Sabi naman ni David ng San Ildefonso, Bulacan: "Pati pala sports kinakalakal na rin ng mga gahaman sa pera, ano, Kuya Mon? Football, cricket, basketball…Ay, naku, day!"
Sabi naman ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Kulang ata sa media coverage ang kasalukuyang condition sa Pakistan, Kuya RJ. What do you think?"
Salamat sa inyong mga mensahe…
Iyan naman ang paborito kong Chinese artist, Jacky Cheung, sa kanyang awiting "The Taste," na hango sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"
Okay, doon sa mga mahilig sa chika-chika, sa "siyete," pakinggan ninyo ito. Super DJ Happy, pasok!
Maraming salamat, Super DJ Happy.
Mula sa album na pinamagatang "Two Butterflies," iyan ang awiting "Night Time Rose," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Pang Long.
Meron ditong ilang text messages.
Sabi ni Jane ng Riyadh, Saudi Arabia: "Happy Mooncake Festival sa Filipino Service through Kuya Ramon's Gabi ng Musika."
Sabi naman ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "Happy Mid-Autumn Fest, Kuya Mon! My you always be happy, and healthy—and lovely!"
Sabi naman ni Lagrimas ng New Territories, Hong Kong: "No more sadness! No more tears! Make way for joy and happiness! Happy Mid-Autumn Day, Kuya Ramon!"
Sabi naman ni Joselito ng Kamias, Quezon City: "Sana ma-resolve conflict ng China at Japan through diplomatic channel. Mahirap kung maging international ang issue."
Salamat sa inyong mga mensahe.
Iyan naman si Michael Jackson sa kanyang awiting "One Day in Your Life," na lifted sa collective album na pinamagatang "The Best of Artists and Groups."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |