|
||||||||
|
||
October 2, 2010 (Saturday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
May text message dito and San Andres boys. Nakikinig daw sila sa mga oras na ito.
Parang hindi ata ako makapaniwala, ah. Parang binobola ako ng mga ito, eh. Alam ko guys marami na kayong nainom kaya hindi ninyo alam kung ano ang mga sinasabi ninyo. Well, anyway, maraming salamat sa National Day greetings niyo. Kayo ang unang-unang nagpadala ng mensaheng pambati para sa celebration ng Pambansang Araw ng China. Super salamat sa inyo! Pero, hinay-hinay lang ang inom, ha? Huwag sosobra, ha?
Doon nga pala sa mga kababayan dito sa Beijing na nagtatanong kung saan ako naglalagi kung gabi, madalas naroon ako sa Hard Rock Café. Enjoy na enjoy ako ng pakikinig sa music ng Hurricane Band. Ang lupit talaga ng bandang ito, oo…
Narinig ninyo ang magandang awiting "Ikaw Pa Rin" ng Hotdog. Iyan ay buhat sa album na pinamagatang "Hotdog's Greatest Hits."
Tunghayan natin ang ilang SMS.
Sabi ng 919 204 4301: "Happy National Day sa inyo, Kuya Mon! Sana masaya ang celebration niyo. Alam ko, good chao kayo pag ganyang may okasyon. Ikain mo na lang kami."
Sabi naman ng 928 202 2704: "Masayang Araw na Pambansa sa Serbisyo Filipino at sa lahat ng mga kaibigang Chinese. Belated Mid-Autumn Festival greetings! Kumusta ba mooncakes natin diyan?"
Sabi naman ng 921 378 4487: "Maligayang bati, Kuya Ramon! Ngayon ay araw ng pagsasaya at panibagong ginhawang tinamo ng bansa pagkaraan ng ilang panahong pagsisikap. Mabuhay!
Sabi naman ng 918 730 5080: "Happy National Day, Kuya Ramon and everybody! May your fortune multiply!"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Mula sa album na pinamagatang "Digital Life," iyan ang awiting "Ten Young Firefighters," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Eason Chan.
Meron pala tayong balitang artista, eh. Ok, Super DJ Happy, pasok.!
Side A Band sa kanilang "Ang Aking Awitin," na lifted sa album na may pamagat na "Ang Ating Awitin."
Mga SMS pa.
Sabi ng 917 466 2270: "Lahat kami dito sa Cebu City ay bumabati sa inyo ng Masayang Araw na Pambansa! Dapat mag-celebrate kayo to the fullest dahil successful na successful ang China sa trade and commerce."
Sabi naman ng 910 611 8423: "Sa ngalan ng mga kasamahan ko sa DX Club International Manila, ipinapasa ko sa inyo ang aking national day at happy mooncake festival greetings. God bless you all!"
Sabi naman ng 928 415 6463: "Maraming na-break na record ang China last year, kaya dapat mag-celebrate kayo in a most special way! Happy National Day!
Thank you so much!
Narinig ninyo si Kenny G sa kanyang tugtuging "Silhouette," na lifted sa album na pinamagatang "Miracles: The Holiday."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang episode sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming- maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |