Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nanning, ang lunsod ng mga bulaklak at prutas

(GMT+08:00) 2010-10-18 17:25:43       CRI

Hello, everyone! Ito po si Lele mula sa Nanning. Dumating ako ng Nanning kahapon ng hapon. Ang Nanning ay punong lunsod ng Guangxi Zhuang Autonomous Region. Bubuksan dito bukas ang ika-7 China ASEAN expo, o Caexpo at bukas pa ako magsisimulang maghatid ng ulat hinggil sa mga kaganapan sa expo, kaya, ngayong araw, I will just show you around the city. Paroroon tayo sa isang lunsod sa katimugan ng Tsina na ang isinasabog na halimuyak ay nakakabalane ng mga turista sa loob at labas ng bansa.

Ang lunsod ng Nanning ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng rehiyon, doon sa may Yongjiang River. Ito ang aking ikatlong pagdalaw dito, at naniniwala akong ang Nanning ay isa sa mga pinakamagandang lunsod sa dakong timog ng Tsina.

Dahil sa mga puno ng ceiba, palma, langka at mangga nito na tumutubo sa buong taon at mga sariwang prutas at bulaklak na sagana mula spring hanggang winter, ang lunsod na ito ay kilala bilang lunsod ng mga bulaklak at prutas. Sa dahilan namang taun-taon ay naglulunsad ng programa ng pagtatanim ng mga puno sa lunsod, ang mga lansangan dito ay nahihilerahan sa magkabilang tabi ng mga puno at ang mga bahay ay napapaligiran ng mga bulaklak at mga luntiang dahon at halaman. Ito ay tunay na madahung-madahong subtropikal na lunsod.

Tatlong kahali-halinang lugar ang ipinagmamalaki ng Nanning: ang Yiling Cave, Spirit Water Lake at South Lake Park.

Ngayong araw, paroroon muna tayo sa South Lake Park. Madalas ding mabanggit sa mga anunsiyo ng mga travel agencies ang South Lake Park na nasa kalunsuran ng Nanning. Ang parkeng ito ay sumasakop sa malaking lawa at luntiang burol.

Sa pagpunta ninyo sa Nanning, huwag na huwag ninyong kalilimutang pumasok sa fish restaurant dito. Let's go and see!

Nakatayo ako dito mismo sa harap ng isang fish restaurant na nangangalangang "Baiyuzhuang" sa Keyuan Road.

Ngayon, kakapanayamin ko ang isang bisita na naririto.

"Hello, masarap ba iyan?"

"Oo. sariwa at masarap ang isda dito. Madalas akong pumunta rito. Kung minsan kasama ko ang pamilya ko."

oh…….let me try…….not bad, not bad! Hindi ninyo pagsisisihan ang pagkain ninyo rito.

Pero hindi lamang ang restawran na ito. Marami pang iba. Nangunguna ang Yongjiang Restaurant sa Yongjiang Bridge; Nanning Hotel Restaurant sa Minsheng Road, Bailong Restaurant sa loob ng Renmin Park at Snake Restaurant sa loob ng Xijiao Park. Sa darating na mga araw , pupunta ako sa naturang mga magandang kainan at magkakasamang titikman natin ang walang kasing-sariwang mga pagkain. I promise! Ok, oras na para umuwi. Kita-kitz tayo bukas!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>