Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Welcome sa CAExpo sa Nanning

(GMT+08:00) 2010-10-19 18:54:39       CRI

Idaraos ang CAExpo

Hello, mga giliw na tagasubaybay!Ito si Lele na nag-uulat mula sa Nanning. Welcome sa China-ASEAN Expo!

Pormal na binuksan kaninang hapon ang ika-7 China ASEAN Expo, o CAExpo, sa Nanning International Convention & Exhibition Center.

Idinaraos ang CAExpo dito

Nakatayo ako dito mismo sa harap ng Nanning International Convention & Exhibition Center at may isang bagay ang gusaling ito na nakatawag ng aking pansin—meron itong special figure. Ang hugis nito ay maihahalintulad sa Chinese hibiscus. Bakit tulad ng sa Chinese hibiscus? Dahil ang Chinese hibiscus ang pinakamarami sa lahat at ito ang bulaklak na sagisag ng lunsod ng Nanning. Ang sagisag ng nasabing ekspo ay dinibuhuhan din ayon sa hugis ng Chinese hibiscus.

Mga pulisya sa labas ng CAExpo Center

Kung titingnan mula sa kalangitan, ito parang isang bulaklak na may 11 petals. Ang 11 petals nito ay sagisag ng Tsina at 10 bansang ASEAN, 11 kalahok na panig ng CAExpo.

Ang China-ASEAN Expo ay isang komprehensibong ekspo na idinaraos taun-taon sapul noong 2004 at ang kasalukuyang expo ay ang ika-7. Nakatanghal sa expo na ito ang mga produkto mula sa iba't ibang bahay-kalakal. Makikita ninyo rito ang bahay-kalakal ng agrikultura, industrya, tele-komunikasyon at iba pang maraming bagay……Nakakaita pa nga ako ng royal boat mula sa Brunei!—pero, iyan ay noong ika-2 caexpo, noong 2005. noong first time na pumunta ako sa expo. Noong panahong ng mangga mula sa Pilipinas. Mas malaki ito kaysa sa manggang na natitikman namin dito sa China. Noong panahon ding iyon, nakita ko ring idene-demo ang hilot, iyong Philippine style massage at nakakakita rin ako ng mineral stones mula sa Pilipinas. Unfortunately, kaunti lang ang alam ko hinggil sa mineral stones, pero, hindi ko malilimutan ang lahat ng mga ito. Sa expo sa taong ito, anu-ano kayang mga bagay mula sa Pilipinas ang itatanghal? Wala pa akong idea sa ngayon, pero, bukas, tiyak na malalaman natin ang mga ito.

Abalang-abala ang lunsod

Oh, I'm sorry, maaring naitatanong ninyo sa inyong mga sarili kung paano at saan nagsimula itong CAExpo. Noong ika-8 ng Oktubre, 2003, sa ika-7 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN na idinaos sa Bali, Indonesya, iminungkahi ng premyer ng Tsina na si Wen Jiabao, na mula taong 2004, idaos bawat taon ang China-ASEAN Expo sa Nanning, Guangxi. Ang mungkahing ito ay malawakang tinanggap ng mga lider ng mga bansang ASEAN.

Bakit sa Guangxi? Ang rehiyong aotonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ay siyang tanging rehiyon na kalapit ng ASEAN. Ang mga aktibidad na pangkultura nito ay may mahigpit na kaugnayan sa pakikipagpalitan sa ASEAN at matagal nang pagpapalagayang pangkasaysayan din sa ASEAN. Kaya ang Guangxi ang pinakamabuting lugar para sa China-ASEAN Expo. Upang mapaganda ang ekspong ito, abalang-abala ngayon ang Lunsod ng Nanning.

Nanning International Convention & Exhibition Center

Mula panahong iyon, tuwing buwan ng Oktubre, nagtitipun-tipon dito ang maraming mangangalakal mula sa Tsina at mga bansang ASEAN—kasama na rtin ako kahit di ako businesswoman, hahaha. At gusto-gustong kong bumisita dito sa nanning, dahil sa Beijing sa panahong ito, winter is coming at talagang malamig! Pero, sa Nanning, ang panahon ay parang spring sa Beijing! Kaya, masayang masaya ako rito. Okey, oras na para magpaalam. Ito muli si Lele, mula sa napakagandang Nanning! Salamat po!

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>