Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Manood ng CAEXPO sa Nanning

(GMT+08:00) 2010-10-20 18:31:45       CRI

Hello, mga giliw na tagasubaybay! Ito muli si Lele mula sa Nanning. Ngayong araw ay ikatlong araw ko dito sa Nanning at ikatlong ulit rin ng paghahatid ko ng balita sa inyo hinggil sa CAExpo at walang kasing-gandang Nanning.

Ngayong araw ay unang araw pagkaraan ng pormal na pagbubukas ng CAExpo o China ASEAN Expo dito sa Nanning. Simula ngayong araw, maaari nang pumasok ang mga tao sa pangunahing venue ng pagtatanghal ng CAExpo——Nanning International Convention & Exhibition Center. At pumasok rin ako dito.

Sinimulan kong hanapin ang Philippine booth. Inisa-isa ko ang mga booth sa loob ng CAExpo center………Hmmm, maraming-maraming booths dito——mga kasangkapang gawa sa tabla mula sa Laos, jade jewelry mula sa Myanmar at ……mga pagkain mula sa Thailand at pagtatanghal ng pinakabagong teknolohiya ng tele-komunikasyon. Ang lahat ng mga ito ay nakatawag ng aking pansin hanggang sa nakita ko ang pagtatanghal mula sa Pilipinas. Hahaha, sa wakas nakita ko rin. Ito pala ay malapit sa booth ng Brunei.

Boluntaryo bilang translater

Sa expo na ito, ang mga produktong agrikultural pa rin ang pinaka-pangunahing tampok ng purok ng pagtatanghal ng Pilipinas. Ang mga produktong nakakaakit ng pinakamaraming manonood ay iyong mga bagay na gawa sa niyog. Kumpara sa dati, hindi kasing-dami ang mga booth sa CAExpo na ito, pero, nararamdaman at nakikita ng mga manonood—kasama na ako-- ang enthusiasm ng mga nagtatrabaho sa mga booth na ito.

Sa totoo lang, hindi lamang ang mga regular na nagtatrabaho sa loob ng booth ang may ganito katinding enthusiasm; maging ang mga boluntaryo sa loob at labas ng sentro ng pagtatanghal ay ganun din. Kinapanayam ko

nakababatang boluntaryo.

Sinabi niya: "Ako ay Lu Guanyong, isang estudyante at nagbibigay ako ng serbisyo bilang guide sa mga bisita. Ngayong araw ay first da ko bilang boluntaryo at gustung-gusto ko ang trabahong ito. Kaninang umaga, may isang dayuhang bisita na hindi alam kung saan at paanong makakasakay ng taxi. Tinulungan siya ng aming boluntaryo. Masayang masaya siya, kaya napagtanto ko mula doon ang tunay na kahalagahan ng gawain ng isang boluntaryo.

Mga boluntaryo bilang guide

May iba pang boluntaryo dito. Si Huang Huiqing ay isang kabataang babae mula sa unibersidad.at siya ay isang translater.

Sinabi niya: "Ako si Huang Huiqing. Ang volunteer spirit ay nakapagbigay-sigla sa akin at bilang isang taga-Nanning, ikinararangal ko na maging isang boluntaryo sa caexpo.

Yami yami—masarap!

Hay, pagkaraang manood ng pagtatanghal ginutom ako. Hindi ba sinabi ko noong first day ko sa Nanning na magkakasamang titikman natin ang sariwang pagkain dito? Ngayon, ano pa ang hinihintay natin? Let's go!

Kilalang-kilala ang rice noodles ng Nanning. Masarap na masarap at katamtaman lamang ang presyo. Gustung-gusto ko ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>