Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nanning International Folk Song Arts Festival

(GMT+08:00) 2010-10-21 18:35:40       CRI

Ang naririnig ninyo ay isang kilalang awitin ng lahing Zhuang sa Rehiyong Aotonomo ng Guangxi. Ito muli si Lele mula sa International Folk Song Arts Festival sa Nanning. Ang aktibidad na ito ay idinaraos sa Nanning taun-taon sa panahon ng CAEXPO o China-ASEAN Expo.


Oh…… talagang melodious ang awit na ito. Ang Nanning ay tinaguriang "karagatan ng awitin" sa Tsina at ang mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad doon ay mahihilig sa pag-awit ng mga katutubong awitin o folk songs. Mula pa noong sinaunang panahon, marami nang magagandang awiting nakakalat sa rehiyon ng Guangxi at nagtitipun-tipon dito ang maraming mahusay na mang-aawit , lalung-lalo na sa kanayunan. Karamihan sa kanila ay walang pormal na edukasyon sa musika, pero mahuhusay sila sa pag-awit.


Sa ngayon, hindi lamang ang mga mang-aawit na lokal ang nagtitipun-tipon kundi maging ang mga dayuhan.



Ang awit na naririnig ninyo ngayon ay isang kilalang awiting Tsino, pero galing sa mga mang-aawit mula sa Vienna. Nagtanghal sila ngayong gabi sa entablado ng Nanning International Folk Song Arts Festival.


Mula noong 1999, para maipagpatuloy ang kaugalian ng pag-awit at mapalawak ang impluwensiya nito, idinaraos na ng Nanning taun-taon ang Folk Song Arts Festival. Lumahok sa arts festival ang mga alagad ng sining ng mga katutubong awitin ng iba't ibang bansa at sa pamamagitan ng festival, napapasulong hindi lamang ang pagpapalitang pangkultura ng mga bansa, kundi maging ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan. Dahil sa malapit na kaugalian at kultura ng Guangxi at mga bansang ASEAN, mula taong 2002, ang pagtatanghal na may temang "kaugalian ng Timog-Silangang Asya" ay naging isang pangunahing bahagi ng mga aktibidad ng arts festival.


Sa kasalukuyan, kasunod ng Beijing Music Festival at Shanghai Music Festival, ang Nanning International Folk Song Arts Festival ay naging isa ring pinakabantog na music festival ng Tsina.


Siguro, hindi na ako kailangang magsalita pa, pakinggan na lang natin ang magandang awitin mula sa mga alagad ng sining sa Nanning International Folk Song Arts Festival.


Ang maririnig ninyo ay isang kilalang-kilalang katutubong awitin mula sa Indonesya.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>