|
||||||||
|
||
Hello, mga giliw na tagasubaybay! Ito muli si Lele na nag-uulat mula sa China ASEAN Expo sa Nanning. Ito ang aking huling araw ng paghahatid ng balita. Babalik na ako bukas sa Beijing.
Hanggang ngayong araw, 2 araw pagkaraang magbukas ang CAEXPO, anu-anong kapakinabangan ang natamo ng mga mangangalakal sa Philippine booths?
Mukhang hindi yata siya nasiyahan sa kanyang unang araw dito. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Makikita mo, sa mga susunod na araw, bubuti ang lahat. Nagsisimula ka pa lamang. Marami ka pang araw dito.
Gayun pa man, may ilang mangangalakal na nasisiyahan sa pagsisimula ng kanilang negosyo sa Philippine booths. Si Betty ay isa sa kanila. Maraming pumapasok sa kaniyang booth at pawang kinagigiliwan nila ang kanyang Philippine made shell products.
Si Edillee ay isang walang kasing-sayang babae. Ang kanyang booth ay nagbebenta ng natural body lotion. Ibinahagi niya sa akin ang kaniyang karanasan sa CAEXPO.
May pagkakaiba ang CAEXPO na ito doon sa mga nauna. Bakit? Mula taong ito, sinimulan ang pagsasagawa ng "zero tariff "sa o China ASEAN Free Trade Area, kaya, maraming bagong pagkakataon para sa mga mangangalakal mula sa Pilipinas na umaasang makapasok sa pamilihang Tsino. Kinapanayam ko ang namamahalang tauhan ng Philippine pavilion dito na si Doris Gacho, aniya
At nang mabanggit ang layunin ng paglahok sa expo, isinalaysay niyang
Okay, oras na para magpaalam. Umaasa akong darami pa ang mga mangangalakal mula sa Pilipinas na makikinabang mula sa CAFTA at Caexpo. Maraming maraming salamat sa inyong pakikinig. Isang malaking kasiyahan para sa akin na maghatid sa inyo ng sariwang ulat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |