Ipininid na ngayong araw sa Hanoi, kabisera ng Biyetnam, ang ika-17 ASEAN Summit. Pinagtibay sa summit ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng Komisyon ng Pagkokoordinahan ng ASEAN, at ipinalabas ang deklarasyon hinggil sa human resources at pagpapataas ng kakayahan ng lakas-manggagawa sa rehiyon ng ASEAN.
Sa katatapos na ASEAN Summit, nagkaroon ng malalimang talakayan ang mga lider ng 10 bansang ASEAN hinggil sa pagpapalakas ng pag-uugnayan sa loob ng ASEAN at pagpapalalim ng relasyon ng ASEAN at kaniyang mga partners.
Salin: Li Feng