|
||||||||
|
||
October 16, 2010 (Saturday)
Host: Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Ooh, malamig na ngayon dito sa Beijing, lalo na sa gabi. Pag lumabas ka sa gabi nang walang takip sa ulo, lalo na kung malakas ang hangin, siguradong sisipunin ka. Actually, hindi ko iniintindi ang lamig. Kung basta mababa lang ang temperature, okay lang sa akin iyan. Pero kung malakas ang hangin, medyo mahirap. Pag dumampi sa tenga mo iyong malamig na hangin, malalaman mo kung ano ang tunay na kahulugan ng malamig, as in malamig.
Kumusta nga pala kay Rene ng Café del Mar. Meron daw siyang sakit. Si Rene ay kasama ni Cielo na kumakanta sa nabanggit na coffee shop dito sa Beijing. Mga kaibigan namin iyang dalawa na iyan, eh. Pagaling ka, pare. Hinihintay ka ng mga tagahanga mo, nakuuu…
(HOTDOG)
Host: Narinig ninyo ang Hotdog sa kanilang orihinal na awiting "Bitin sa Iyo," na lifted sa album ng grupo na pinamagatang "Hotdog's Greatest Hits."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Bigyang-daan natin ang ilang SMS.
Sabi ng 0086 135 202 34755: "Kumusta sa iyo, Kuya RJ. Napakinggan ko Gabi ng Musika last Saturday. Enjoy ako sa Balitang Artista. Nakaka-intriga talaga. Meron pala kayong movie reporter sa Pinas."
Sabi naman ng 0086 138 114 09630: "Salamat sa bati, Kuya Mon. Kilig to the bone ako pag ikaw ang bumabati. Sweet na sweet ang voice mo. Para akong hinahagod."
Sabi naman ng 0086 134 263 77760: "Kuya Mon, pakibati naman kasama ko sa bahay. Birthday niya sa October 25. Arlene pangalan niya. 32 years old na sa birthday niya."
Sabi naman ng 917 351 9951: "Magaganda pinatutugtog mong Chinese songs. Kahit hindi ko naiintindihan ang words, parang nararamdaman ko na rin ang message dahil sa tempo."
Salamat sa inyong mga SMS.
(NAN QUAN MAMA)
Host: Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Something Wild," na buhat sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Ito na, ito na iyong pinakahihintay ng lahat—Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok.
Host: Salamat sa iyo, Super DJ Happy!
DIGITAL LIFE 3:18
(EASON CHAN)
Host: Eason Chan sa awiting "Digital Life," na hango sa album na may katulad na pamagat.
Meron pang ilang SMS dito.
Sabi ni Weng ng Bicol Region: "Kuya Ramon, natanggap ko na gift niyo. Maraming salamat. Salamat din sa birthday greeting."
Sabi naman ni Melody ng Macabebe, Pampanga: "Advanced na advanced na rin ang China sa space science. Saludo ako sa mga researchers at scientists na Chinese."
Sabi naman ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila: "UR great, Kuya Ramon! No wonder kung i-idolize ka ng iyong audience."
Sabi naman ni Ronalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Sa tingin ko, me iba pang dahilan ang pagkakaalis kay Kris sa kanyang program sa ABS-CBN. Sa tingin ko, di lang iyon rating."
Sabi naman ni Edralyn ng Angeles City, Pampanga: "Super salamat sa mga regalo, Kuya Mhon at super salamat din sa mga payo at moral support. God bless!"
Super salamat din sa inyong mga mensaheng SMS.
Gusto kong ipaapapa sa inyo na kung mayroon kayong comment o suggestion sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Filipino Service, huwag kayong mahihiyang sumulat sa amin. Ipadala ang inyong mga mensahe sa 921 257 2397 kung sa SMS o sa filipino_section@yahoo.com kung sa e-mail. Welcome na welcome sa Filipino Service ang anumang feedback na magmumula sa inyo.
(MICHAEL JACKSON)
Host: Iyan naman si Michael Jackson sa kanyang awiting 'One Day in Your Life," na lifted sa collective album na pinamagatang "The Best of Artists and Groups."
Host: At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong
muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |