|
||||||||
|
||
October 23, 2010
Host: Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Kung nakikinig si Buddy Boy Basilio and company, natanggap ko na iyong padala ninyong souvenir item from Dubai. Maraming-maraming salamat, mga pare ko.
Sabi ni Let Let Alunan ng Germany, marami daw kaming tagapagtaguyod sa Europe. Bumebenta raw ang website namin doon.
Alam ko, Let Let, na iyan ay dahil sa iyong tulong. Thank you so much.
MANILA 2:54
(HOTDOG)
Host: Narinig ninyo ang Hotdog sa kanilang awiting "Manila," na hango sa album na may pamagat ng "Hotdog's Greatest Hits."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang SMS.
Sabi ng 917 401 3194: "Kuya Mon, binabati kita. Klik na klik ang Cooking Show at Gabi ng Musika mo. U R the champion of Pinoy listeners."
Sabi naman ng 910 871 6631: "Kahit magdamag pang tumakbo ang Gabi ng Musika, pakikinggan ko ito alang-alang sa iyo, Kuya Ramon."
Sabi naman ng 918 730 5080: "From sunrise to sunset, Cooking Show and Gabi ng Musika on the go! Mabuhay ang Pinoy broadcast ng Filipino Service!"
Salamat sa inyong mga SMS.
DAWN 4:38
(NAN QUAN MAMA)
Host: Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Dawn," na hango sa kanilang album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Sabi ni Bernie Cameo ng Far Eastern University: "Marami palang namatay sa grabeng pagbaha sa southern Russia. Pati pala roon nagbabaha na rin?"
Sabi naman ni Annie ng IBM Peralta Quiapo: "Kuya, landfall na ni Megi sa Pinas. Super bagyo pala ito. Bandang Isabela pala ang direktang apektado."
Ipinadala iyan noong kasalukuyang nagla-landfall ang bagyo.
Sabi naman ni Roselle ng West Coast Way, Singapore: "Tingnan mo nga naman, parang hero's welcome pa ang mga miners sa Chile."
Sabi naman ni Jocelyn ng Mandaluyong: "Talagang dapat labanan ang trade protectionism, lalo na iyong sa mga dati nang malakas na bansa. Lugi kasi iyong mga bagitong ekonomis."
Salamat sa inyong mga mensahe.
TIME LIKE A SONG 3:27
(EASON CHAN)
Host: Iyan naman si Eason Chan sa kanyang awiting "Time like a Song," na buhat sa album na pinamagatang "Digital Life."
Ituloy pa natin ang pagbasa ng mga SMS.
Sabi ni Rea ng Navotas, Metro Manila: "Kuya Mon, may point ka dun sa sistemang ang mayaman lalong yumayaman at iyong mahirap lalong humihirap. Dapat nga itong ma-check."
Sabi naman ni Ingrid ng Shunyi, Beijing: "Salamat sa paalala, Kuya Ramon, pero kung talagang super ang bagyo, wala tayong gaanong magagawa."
Sabi naman ni Ma. Rosalyn ng Chaoyang, Beijing: "Sana naman lumihis iyong super typhoon bound for the Philippines. Bugbog-sarado na naman tayo niyan."
Sabi naman ni Sienna ng Pandacan, Manila: "Kuya RJ, kumusta weather diyan sa Beijing? Dito may bagyo, at Juan pa man din ang pangalan."
ALL OF MY LIFE 3:22
(DIANA ROSS)
Host: Iyan naman si Diana Ross sa awiting "All of My Life," na buhat sa collective album na may pamagat na "The Best of Artists and Groups."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |