Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-28 2010

(GMT+08:00) 2010-11-19 23:22:37       CRI

October 30, 2010 (Saturday)

Host: Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Kung nakikinig si Let Let Alunan ng Germany, hintayin mo ang tawag ko sa Linggo ng madaling araw, mga 2 o'clock dito sa Beijing. Sorry, naputol ang signal natin last time, kung kelan pa nagkakasarapan ang ating usapan. Hintayin mo na lang ang tawag ko, ok?

Sabi ni Caroline ng Australia, ipagdasal daw natin iyong mga biktima ng tsunami sa Indonesia. Marami daw namatay at nawala dahil sa disaster na nabanggit.

Maalala ko, malapit na ang All Saints' Day. Mag-offer naman tayo ng sacrifices at prayers sa ating dearly departed. Kailangan nila ang mga dasal at sakripisyong ito.

BODY AND SOUL 4:42

(LOUIS ARMSTRONG)

Host: Narinig ninyo si Louis Armstrong sa kanyang awiting "Body and Soul," na lifted sa kanyang album na may pamagat na "Louis for Lovers."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Bigyang-daan natin ang ilang SMS.

Sabi ng 921 577 9195: "Malapit na ang Undas, Kuya Ramon. Ano ba ang plan mo para sa araw na ito? Kami, as usual, magpupunta sa kampo santo para magtirik ng kandila."

Sabi naman ng 906 522 9981: "Sa November 1, ang pinakamagandang paraan ng pag-alaala sa ating mga nawalang kamag-anakan ay ang pagdarasal ng espesyal na panalangin para sa ikatatahimik ng kanilang mga kaluluwa."

Sabi naman ng 910 611 8423: "Kuya Mon, ang November 1 ay espesyal na araw para sa ating mga Pinoy. How do you celebrate this day in Beijing? Please join us in praying for all our brothers and sisters who passed away."

Salamat sa inyong mga SMS.

FAIRY TALE 4:04

(GUANG LIANG)

Host: Mula sa album na pinamagatang "Michael Fairy Tale," iyan ang awiting "Fairy Tale," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guang Liang.

Ngayon, dumako naman tayo sa pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super

DJ Happy, pasok.

V O I C E

Host: Thank you, Super DJ.

EVENING MUSIC 3:46

(JAY CHOU)

Host: Jay Chou at ang awiting "Evening Music," na hango sa album na pinamagatang "November's Chopin 11."

May natanggap akong poster ni John Lennon at ilang postcards at bookmarks. Iyong poster ay galing kay Jeanne ng Denmark; iyong postcards kay Marivic ng Finland at iyong bookmarks kay Aubrey ng Germany. Maraming salamat sa inyo.

Sabi ni Ingrid ng New Territories, Hong Kong: "Kulang talaga tayo sa pagbibigayan kaya wala sa kaayusan ang mundo."

Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Hindi pa rin nawawala ang pamumulitika ng mga pulitiko natin. Hindi na sila natuto."

Sabi naman ni Fe ng Carmona, Cavite: "Dapat pasiglahin natin ang agri sector natin gaya ng ginagawa nila sa China."

Sabi naman ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Lumolobo population natin. Tigilan na ang pagtatalo. Panahon na para kumilos."

Sabi naman ni Marivic ng Olongapo City: "Signs of times: cholera epidemic sa Haiti. gulo sa France, strike sa Italy dahil sa basura, at lindol at tsunami sa Indonesia."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga SMS.

THE ONE FOR ME 3:23

(LUO ZHIXIANG)

Host: Iyan naman si Luo Zhixiang sa awiting "The One for Me," na buhat sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>