|
||||||||
|
||
November 6, 2010 (Saturday)
Host: Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Maganda rin iyong naisip ni Pablo Cruz ng Cabangan, Zambales. Sabi niya, para maiwasan ang maraming tao, noong November 2 at hindi November 1 sila nagpunta sa sementeryo.
Tama iyon. Mas praktikal pa nga iyon, eh. Kung tutuusin, any time of the year puwede tayong magpunta sa cemetery para magtirik ng kandila, mag-alay ng bulaklak at manalangin para sa ating mga mahal na yumao. Tradisyon lang naman natin iyang pagpunta sa sementeryo kung araw ng mga patay, eh. Atsaka, dapat dalasan din natin ang pagdarasal para sa kanila. Kailangan nila ito.
Kumusta nga pala sa lahat ng texters namin sa Angeles City, Olongapo City at Cebu City. Salamat sa inyong pagtataguyod sa aming mga programa. God bless.
AWIT NG DAKILANG JUBILEO 3:25
(JAMIE RIVERA)
Host: Narinig ninyo si Jamie Rivera kasama ang 92 A. D. sa awiting pinamagatang "Awit ng Dakilang Jubileo" na lifted sa album na may pamagat na "Jubilaeum A. D. 2000."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ni Rodel ng San Andres, Manila: "Ka Ramon, happy belated Halloween at congrats sa mabunga at successful na successful na world expo! Mabuhay!"
Sabi naman ni Joel ng Sta. Ana, Manila: "Happy All Souls' Day belated, Kuya Ramon. How did you celebrate the special day? Did you say prayers for the dead?"
Sabi naman ni Janine ng Makati City: "Lots of love on All Saints' Day, Kuya Mhon. Let's spread the gospel of peace. No more hatred!"
Sabi naman ni Myrna ng Kowloon, Hong Kong: "Paulit-ulit na nagbubuga ng lava ang Mt. Merapi ng Indonesia. Talagang walang patawad. Mahigit 40 na ata ang namamatay."
Maraming salamat sa inyong mensaheng SMS.
A SONG FOR A DRINK AND TOAST 4:03
(DAO LANG)
Host: Dao Lang sa kanyang "A Song for a Drink and Toast," na hango sa album na pinamagatang
"A Song for a Drink and Toast," na hango sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."
Ngayon, bigyang-daan natin ang ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
V O I C E
Host: Salamat, Super DJ!
TEN YEARS 3:21
(EASON CHAN )
Host: Iyan naman si Eason Chan sa kanyang "Ten Years," na buhat sa album na may pamagat na "Digital Life."
Mga SMS pa.
Sabi ng 928 754 0133: "Binabati ko ang Shanghai sa pagdaraos nito ng expo na ang kagandahan ay mahirap tularan ng ibang bansa. Binabati ko rin ang lahat ng mga kaibigang Chinese."
Sabi naman ng 915 882 9932: "Kuya Ramon, kasama ang Pinas sa mga nagtamasa ng kapakinabangan sa pagdaraos ng Shanghai ng world expo. Sana magkaroon pa ng ganitong expo sa mga darating na panahon!"
Sabi naman ng 910 435 0941: "Kuya Mhon, Happy Halloween at congratulations sa China for a successful world expo! This expo is truly great. Super!"
Salamat sa inyo.
Salamat din sa 919 426 0570, 917 401 3194, 0086 135 202 34755, 917 351 9951, 921 577 9195 at 921 378 1478.
LANGIT NA NAMAN 3:00
(HOTDOG)
Host: Hotdog at ang isa sa mga pinasikat nilang awiting "Langit na naman." Ang track na iyan ay lifted sa album ng grupo na pinamagatang "Hotdog's Greatest Hits."
FILL-IN
Host: At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming –maraming salamat sa inyong pakikinig. God love you.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |