|
||||||||
|
||
November 13, 2010 (Saturday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mga mensaheng pambati para sa pagtatapos ng Shanghai World Expo at pagbubukas ng Guangzhou Asian Games. Salamat kay KC Orioste ng Lumban, Laguna; Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan; Sharon Olondres ng IBM Peralta Quiapo; Joselito ng Kamias, Quezon City; Chat Fajardo ng Punta, Sta. Ana; Bernie Cameo ng Far Eastern University; Elycia Tupas ng Malate, Manila; at Jocelyn Golondrina ng Mandaluyong City. Salamat uli sa inyo.
Teka, baka makalimutan ko, kung nakikinig si MJ Foster ng Denmark, ipadala mo nga sa akin ang mobile phone number mo. Hindi kasi nag-register sa phone ko yung number ng mobile mo. Di ko alam kung bakit.
Di ba noong nakaraan nasabi ko sa inyo na ang madalas kong puntahan kung gabi ay iyong Hard Rock Café dito sa Beijing at gustung-gusto kong pakinggan ang music ng Hurricane Band? Narito ang sample ng music ng nabanggit na grupo.
EYE OF THE TIGER 4:03
(HURRICANE BAND)
Host: Narinig ninyo ang awiting "Eye of the Tiger," sa kagandahang-loob ng Hurricane Band. Iyan ay recorded live sa Hard Rock Café Beijing.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ni Let Let Alunan ng Germany: "Kuya Ramon, ipagdasal naman natin ang Haiti. Merong cholera outbreak doon at halos 800 na ang namamatay."
Sabi naman ni Lucy ng Findland: "Kuya RJ, talagang hindi maintindihan ang nangyayari sa mundo. Maraming summit meetings pero hindi naman bumibilis ang pagbangon ng kabuhayan ng mundo at patuloy pang nagaganap ang natural calamities."
Sabi naman ni Liza ng Switzerland: "Kuya RJ, siguro hindi tayo dapat tumigil ng kakadasal para mabawasan ang kaguluhan sa mundo. Maraming protesta, maraming strikes, maraming disasters at maraming pagtatalu-talo."
Salamat sa inyong mga SMS.
NIGHT TIME ROSE 3:43
(PANG LONG)
Host: Mula sa album na pinamagatang "Two Butterflies," iyan ang awiting "Night Time Rose," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Pang Long.
Okay, narito na ang hinihintay ng marami sa inyo—Balitang Artista. Super DJ Happy, pasokl!
V O I C E
Host: Salamat sa iyo, Super DJ Happy.
DISAPPEAR 4:28
(NAN QUAN MAMA)
Host: Iyan naman ang "Disappear," sa pag-awit ng Nan Quan Mama. Ang track na iyan ay lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Tunghayan natin ang e-mail ni Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan. Sabi ng liham: "Kuya Ramon, maganda ang signal ninyo sa 7.180 MgHz at 12.110 MgHz, kaya umaasa ako na maikokober ninyo ang mga events sa Guangzhou Asian Games lalo na iyong mga events na sasalihan ng mga manlalarong Pinoy. Naalala ko na comprehensive ang coverage ninyo sa Shanghai World Expo. Itong 2010 SWE at Guangzhou Asian Games ay kapuwa magkakatimo sa isip ng mga mamamayan sa loob at labas ng Tsina."
SUPERSTAR 3:49
(CARPENTERS)
Host: Iyan naman ang magandang awiting "Superstar," na inihatid sa ating kasiyahan ng Carpenters. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Carpenters: Their Greatest Hits."
Host: At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. God love you.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |