Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-32 2010

(GMT+08:00) 2010-12-07 11:18:27       CRI

November 27, 2010 (Saturday)

Host: Sabi ni Ursula ng San Narciso, Zambales, sa radio lang daw siya ngayon nakikinig ng aming programa at araw-araw daw siyang nakikinig. Meron daw siyang sariling sari-sari store sa bayan at bukas daw siya hanggang 11 ng gabi. Nakikinig daw siya habang nagbabantay ng tindahan. Naka-display din daw sa tindahan niya lahat ng natatanggap niyang souvenir items mula sa Filipino Service.

Salamat sa iyong pagtataguyod sa aming mga programa, Ursula.

Sabi naman ng San Andres boys, nakikinig daw sila ng Gabi ng Musika habang nagtutumba ng bote ng gin. Habang napaparami daw sila ng inom, lalo naman daw napapasarap ang kanilang pakikinig.

Wala akong masabi sa inyo, guys. Wala akong masabi.

BITIN SA IYO 2:34

(HOTDOG)

Host: Narinig ninyo ang Hotdog sa kanilang awiting "Bitin sa Iyo," na lifted sa album na pinamagatang "Hotdog's Greatest Hits."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever-loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang SMS.

Sabi ng 917 960 6218: "Ayos na rin record ng ating mga manlalaro sa 16th Asiad. Nakakuha sila ng 3 ginto, tatlong pilak at tatlong tanso. Mabuhay!

Sabi naman ng 919 426 0570: "Dapat talaga tularan natin ang sports program ng China para maging competetive tayo sa regional at international athletic meets."

Sabi naman ng 917 401 3194: "Congratulations sa Chinese athletes. Talagang mahuhusay sila. Sila ang pride ng kanilang motherland. Congratulations din sa China, sa mahusay na pag-o-organize nito ng Asian Games."

Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

YOUR BACKPACK 3:54

(EASON CHAN)

Host: (MUSIC, VOICE MX) Kung nakikinig si Let Let Alunan ng Germany, pakitimbrihan mo nga ako sa YM. May mahalagang bagay akong sasabihin sa iyo.

Happy birthday kay Nancy ng Caruhatan, Bulacan. Ano ba ang handa natin diyan, mare ko.

MUSIC FADES UP

Host: Eason Chan sa kanyang awiting "Your Backpack," na buhat sa album na pinamagatang "Digital Life.

Okay, oras na para sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

V O I C E

Host: Salamat sa iyo, super DJ.

MISS YOU SO MUCH 3:55

(ZHOU BICHANG)

Host: Mula sa album na pinamagatang "Super Girls' Voice," iyan ang awiting "Miss You So Much" ni Zhou Bichang.

Meron pa ritong dalawang SMS.

Sabi ni Rommel Fulgencio ng Kalibu, Aklan: "Ako ay nalulungkot sa nangyayaring alitan ng North at South Korea. Ipanalangin na lang natin sa Maykapal na hindi na lumala ang problema sa Korea. Malapit pa naman ang Pasko. Sana pagmamahalan na lamang ang mangibabaw sa lahat ng tao sa buong daigdig, para wala nang kaguluhan."

Sabi naman ni Nicky ng Lunsod ng Kalookan: "Dapat awatin ng ibang bansa ang North and South Korea. Hindi dapat gatungan. Alalahanin nila na sila man ay magdurusa rin kung magkakaroon ng digmaan sa Korean Peninsula."

Salamat sa inyo, Rommel at Nicky.

Para sa inyong messages, magteks lamang sa 921 257 2397, smart iyan, 921 257 2397 o kung hindi naman, mag-e-mail sa filipino_section@yahoo.com.

TOP OF THE WORLD 2:56

(CARPENTERS)

Host: Iyan naman ang Carpenters sa kanilang awiting "Top of the World," na lifted sa kanilang album na pinamagatang "Carpenters: Their Greatest Hits."

Next month, abangan ninyo ang Hurricane Band, tampok sa programang ito. Bibigyang-kulay nila ang ating Christmas season.

Host: At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at God love you.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>