|
||||||||
|
||
December 4, 2010 (Saturday)
Host: Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
BACKGROUND MUSIC FADES IN…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Kumusta ba mga giliw na tagasubaybay? Ayos ba kayo diyan? Dapat.
May e-mail si Manny Feria ng Cabangan, Zambales. Sabi niya sa isang bahagi ng kanyang liham na maaga pa raw para pag-usapan ang Pasko; pero, kung masasalubong daw niya si Santa Claus, sasabihin daw niya rito na umaktong mediator sa pagitan ng North and South Korea para matapos na raw ang kanilang problema. Mahirap din aniya kung mag-gegerahan ang dalawang ito.
BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Salamat nga pala uli doon sa mga nagpadala ng mensaheng pambati para sa pagtatapos ng 16th Asian Games sa Guangzhou, lalo na kina Dr. George Medina, Liz Bornhauser, Let Let Alunan, Mulong de Mesa at MJ Foster ng Denmark.
BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Ang nabanggit na palaro na nagtapos noong November 27 ay sumira ng maraming record sa kasaysayan ng regional games na ito, kabilang na ang record sa dami ng volunteers, record sa dami ng sumaling mga bansa at koponan at record sa dami ng mga nanood.
Record-breaking din naman ang resulta ng paglalaro ng mga atletang Tsino. Sila ay nakapag-uwi ng 199 na gintong medalya, 117 pilak at 98 tanso.
Kung kukumustahin naman ang performance ng Philippine delegation, sila ay nakakolekta ng 3 ginto, 4 na pilak at 9 na tanso. Hindi na masama, di ba?
BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Ngayon, dumako naman tayo sa larangan ng entertainment. Meron atang ulat ang reporter natin sa Pilipinas hinggil sa aniya ay may-kakunatang artista.
Gabi ng Musika December 4, 2010 page 2
Okay, sige, super DJ Happy, pasok!
V O I C E
Host: Salamat, super DJ!
IKAW PA RIN
(HOTDOG)
Host: Narinig ninyo ang Hotdog sa kanilang awiting "Ikaw Pa Rin," na lifted sa album na "Hotdog's Greatest Hits."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Meron ditong greeting card si Jonald M. Flores ng Boracay. Actually, nabasa ko na itong personal na mensahe na isinulat niya sa card, pero gusto ko pa ring basahin uli ngayon. Nata-touch kasi ako pag nakakatanggap ako ng ganitong snail mail, eh.
Sabi ni Jonald: "Mahal kong kuya Ramon, sumulat ako sa iyo dahil gusto kitang batiin ng maligayang Pasko at manigong Bagong Taon. Sana sa paparating na Pasko hanggang Bagong Taon ay maging maligaya ka palagi at sana gabayan ka ng ating Panginoong Diyos sa lahat ng oras at ilayo ka niya sa lahat ng kapahamakan. Ito ang natatanging wishes ko for you this Christmas and this coming New Year 2010. Gusto kong ipaalam sa iyo na isa ako sa napakaraming tagapakinig mo sa nakakawili mong programa sa Serbisyo Filipino ng China Radio International ang "Gabi ng Musika." Alam mo, matagal na akong nakikinig sa napakaganda mong radio program. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pakikinig ko sa "Gabi ng Musika" para palagi akong masaya."
Meron pa siyang P. S.. Sabi: "Sana naman makatanggap rin ako ng mga libreng souvenir from you gaya ng CRI t-shirt, stickers at Chinese traditional music CD. Until here only. God bless you."
Thank you, Jonald. God bless you rin at maligayang Pasko at manigong Bagong Taon.
LOVER
(DAO LANG)
Host: Dao Lang, sa awiting "Lover," na hango sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002.
Sabi ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Matindi talaga ang China pagdating sa sports at pagdaraos ng sports meet. Talagang matindi."
Sabi naman ni Cleofe ng Beijing, China: "Sana pagtuunan naman ng pansin ng government natin ang sports. Mahalaga rin ito sa isang bansa."
Sabi naman ni Mardie ng UP Los Banos: "Congratulations sa Philippine delegation to the 16th Asiad. Maganda showing ninyo. Hindi kayo kulelat!"
Sabi naman ni Ingrid ng Quiapo District, Manila: "Kuya Ramon, paki-eksplika mo nga
iyong tungkol sa hot money na pumapasok sa Pinas. Medyo naiintriga lang ako."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
TWO BUTTERFLIES
(PANG LONG)
Host: Iyan naman si Pang Long sa awiting "Two Butterflies," na hango sa album na may katulad na pamagat.
Sabi ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Kuya Ramon, napakinggan ko Alam ba Ninyo at Gabi ng Musika mo last week. Good signal at 7.180 MgHz."
Sabi naman ni Wendy ng Puerto Azul: "Kuya Mon, thanks for sparing your precious time for me. I really do appreciate exchanging notes with you."
Sabi naman ni Min ng Sta. Ana: "Kuya RJ, kailangan talagang pumicture na ang China sa gulo ng North and South Korea. Malaking gulo yun pag nagkataon."
Sabi naman ni Megan ng Bajac-Bajac Olongapo City: "Nageeleksiyon pa sila sa Haiti hindi na nga sila magkandaugaga. Ano ba iyan."
Salamat din sa inyong mga SMS.
FILL-IN
Host: At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang episode sa araw na ito ng Gabi ng Musika at Iba Pa. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God love you all.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |