|
||||||||
|
||
December 11, 2010 (Saturday)
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Kumusta na kayo? Okay lang ba kayo diyan? Dapat.
Ipinapaalala ko sa lahat ng mga kababayan sa Beijing na ang Christmas party natin, Christmas party ng mga Pilipino sa Beijing ay sa darating na araw ng Linggo na, December 19. Inaanyayahan kayong dumalo at makilahok sa mga aktibidad. Lubos ding ipagpapasalamat ng organizers kung makakapagdala kayo ng gift item para sa raffle.
BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Noong nakaraang Lunes, nagtanghal dito sa Beijing ang Ramon Obusan Folkloric Group. Nagkaroon ako ng chance na makapanood ng pagtatanghal at makapanayam ang ilang miyembro ng grupo. Alam niyo, ina-appreciate ko ang efforts ng ROFG na mai-promote ang Filipino culture sa iba't ibang bahagi ng mundo, and at the same time, mag-offer ng scholarships sa mga deserving pero mahihirap na kabataang Pilipino at magbigay ng libreng dance lessons sa mga talented na kabataan.
BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Naku, nagtatanong si Mila ng Harrizon, Pasay City kung malamig daw dito sa Beijing. Sinabi mo pa, Mila. Malamig na malamig at mahanging mahangin ngayon dito. Tagos hanggang buto ang lamig.
BG MUSIC FADES UP…FADES OUT
Host: Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika at Iba Pa ng Serbisyo Fi;ipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ng 919 426 8180: "Kuya Ramon, hindi maaring hindi ko pakinggan Gabi ng Musika mo. Ngayon pa ba naman ako hindi makikinig, e, ang lakas ng signal ninyo ngayon."
Sabi naman ng 917 808 8118: "Hindi ko alam kung ano ang gustong palabasin ng Wikileaks sa pag-e-expose nito ng secret documents. Wala bang karapatan ang mga bansa na magtago ng mga sensitibong dokumento?"
Sabi naman ng 917 483 2281: "Talagang mapapamahal ka sa mga tagapakinig mo, Kuya Ramon, kasi binibigyan mo silang lagi ng encouragement. You light up their lives."
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
WHAT CAN I DO
(NAN QUAN MAMA)
Host: Nan Quan Mama at ang awiting "What Can I Do?" na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Bigyang-daan natin ang ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
V O I C E
Host: Salamat sa iyo, Super DJ!
EVERYBODY
(JACKY CHEUNG)
Host: Jacky Cheung sa awiting "Everybody," na hango sa album na "Are You Falling in Love?"
Sabi ng 915 807 5559: "Para sa akin, ang Pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan. Kung magagawa natin lahat ito, tatahimik ang mundo."
Sabi naman ng 918 730 5080: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya RJ. Thank you for bringing us Gabi ng Musika every Saturday evening. Wala akong kasing-saya kapag nakikinig ako sa iyong programa."
Sabi naman ng 928 415 6462: "Kuya Mon, simula na ng Asian Para Games. Ikokober ba ninyo ito tulad ng Asian Games? Gaano ba karami manlalaro natin dito?"
Salamat sa inyong mga mensahe.
Wini-welcome namin ang anumang feedback na magmumula sa inyo, kaya kung meron kayong comments o suggestions na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, huwag mag-aatubiling sumulat sa amin. Ipadala ang inyong mga mensahe sa 921 257 2397 kung sa SMS o sa filipino_section@yahoo.com kung sa e-mail.
HURTING EACH OTHER
(CARPENTERS)
Host: Iyan naman ang Carpenters sa kanilang awiting "Hurting Each Other," na lifted sa album na pinamagatang "Carpenters: Their Greatest Hits."
Host: At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig. God love you!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |