|
||||||||
|
||
December 18, 2010 (Saturday)
Host: Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
BACKGROUND MUSIC
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Kumusta na kayo diyan? Okay ba kayo? Kung okay kayo riyan, okay rin kami rito; kung wala kayo riyan, wala rin kami rito.
BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Ipinapaalala kong muli sa lahat ng mga kababayan sa Beijing na bukas na ang Christmas party natin sa Philippine Embassy. Punta kayo at Kung makakapagdala kayo ng gift item para sa raffle, mas maigi. Lubos itong ipagpapasalamat ng organizers ng party.
BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN
Host: (BG MUSIC, VOICE MX) Oops, meron ditong mahabang SMS mula sa 915 220 2441. Sabi: "Hi, Kuya Ramon! Maraming salamat sa pagbasa mo ng mensahe ko tungkol sa hidwaan sa North and South Korea. Napakinggan ko kasi na binasa mo ang text message ko sa Gabi ng Musika noong nakaraang Nobyembre 27, 2010. Gusto rin na iparating sa iyo ng brother-in-law ko na si Jonald Flores ang mainit niyang pasasalamat sa pagtanggap mo at pagbasa mo ng holiday greeting card niya para sa iyo. Napakinggan kasi naming dalawa na binasa mo nang buo sa Gabi ng Musika ang mensahe niya for you. Sabi niya, wala siyang mapagsidlan ng labis na kagalakang nadarama dahil sa pagpapahalaga mo sa holiday greeting message niya for you. Mga 2 beses mo pang binasa sa magkaibang edition ng Gabi ng Musika ang mensahe niya for you. Alam mo, nagpadala ulit kaming dalawa ng kaibigan kong si Yoligio Armiza ng holiday greeting card for you para pormal na batiin ka namin ng maligayang Pasko at manigong Bagong Taon para maipaabot din namin sayo ang mga wishes namin for you this holiday season. Sana matanggap mo na sa madaling panahon ang holiday greeting card na pinadala namin for you. We hope na magugustuhan mo ang mga mensahe na nakasulat sa holiday greeting card. Ako po si Rommel Fulgencio ng no. 1373 Interior St. Bernard Road, Kalibo, Aklan 5600 / Philippines."
Thank you so much, Rommel at merry Christmas and happy New Year sa inyong lahat.
BG MUSIC FADES UP…FADES OUT
Host: Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika at Iba Pa ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ni Zeny ng University of Santo Tomas: "Come and go sila! Gabi ng Musika, never! Hooked kami sa mga SMS at e-mails ng mga kaibigan at sa latest buzz sa Balitang Artista."
Sabi naman ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Sana bumandera naman mga players natin sa Para Games. May binatbat din naman ang mga iyon!"
Sabi naman ni Glo ng Atimonan, Quezon: "I don't miss your everyday news and I won't miss you!
Sabi naman ni Librada Cinco ng Northbay Blvd., Navotas: "December 25 is a day of giving and sharing. Give love and share what little you have."
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
TUWING PASKO
(VARIOUS ARTISTS)
Host: Narinig ninyo ang masiglang awiting pamaskong "Tuwing Pasko," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Various Artists. Kasama iyan sa koleksiyon namin ng mga awiting pamasko.
Ngayon, pakinggan natin ang ulat ng reporter namin sa Maynila hinggil sa umano's malilimuting male singer. Tingnan natin. Super DJ Happy, pasok!
V O I C E
Host: Maraming-maraming salamat, Super DJ!
Iyan si Super DJ Happy, nag-uulat mula sa Maynila, Pilipinas.
LET IT SNOW
(THE COUNTERPOINT BAND)
Host: Iyan naman ang Counterpoint Band sa kanilang sariling version ng awiting "Let It Snow." Iyan ay recorded live sa Swiss Hotel Beijing.
Sabi ng 919 426 0570: "Kuya Ramon, malapit na ang kaarawan ng ating Dakilang Manunubos. Dapat nating ipagsaya ang araw na ito dahil ito ay araw ng pag-asa. Siya ang tanging pag-asa natin at wala nang iba. Maligayang Pasko sa iyo at sa buong Seksiyong Filipino."
Sabi naman ng 915 807 5559: "Ipinaaabot ko ang aking Christmas greetings sa inyong lahat, Kuya Mhon. Sana matutuhan nating lahat na ang sentro ng ating pagdiriwang ay si Christ dahil ang Pasko ay araw ng kapanganakan niya. Dapat kasama siyang lagi sa ating pagdiriwang."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Isang makulay na Pasko sa iyo, Kuya Mhon. Sana lagi kang kasihan ng magandang suwerte at sana hindi ka magsawa ng pakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng SMS at e-mails."
Maraming salamat sa inyo. Merry Christmas and God bless.
PASKO NA SINTA KO
(SUPER DJ HAPPY)
Host: Iyan naman si Super DJ Happy sa kanyang sariling interpretation ng awiting "Pasko na Sinta Ko."
FILL-IN
Host: At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika at Iba Pa. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at Merry Christmas and Happy New Year to you all.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |