![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Tumagal ng labing-anim na oras ang prusisyon mula sa Luneta hanggang sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quiapo. Nagsimula ang prusisyon sa ganap na alas ocho ng umaga (8:00 A.M.) ng araw ng Linggo at natapos ito ng alas-doce singko (12:05 AM) ng hatinggabi kanina.
Ayon sa pulisya, aabot sa pitong milyon katao ang dumalo sa kapistahan kahapon.
Tradisyon na sa mga Pilipino ang pagdalo sa pista ng Itim na Nazareno sapagkat isa ito sa may pinakamatagal na kasaysayan sa Pilipinas at ito'y umabot nasa ika-apat na raan at apat na taong pagdiriwang.
Umabot naman sa pitong-daa't walo (708) ang nasugatan, kabilang na ang mga nalapnos ang paa sapagkat karamihan sa lumahok sa prusisyon ay mga walang tsinelas o sapatos. Hamak na mas malaki ito ng maikatlong ulit kung ihahambing sa mga nasugatan noong taong 2010 na umabot lamang sa dalawang daa't apatnapu't anim (246).
Naging mapayapa naman ang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno kahapon dahilan sa pagtutulungan ng pamahalaan, simbahan at mga volunteer organizations tulad ng Philipine National Red Cross at mga naglilingkod sa media.
Samantala, patuloy pa rin ang pag-ulan sa katimugan at gitnang bahagi ng Pilipinas. Ito ang nabatid ng CBCP News sa pakikipagbalitaan sa mga tanggapan ng Simbahan sa Samar at Leyte provinces kaninang umaga.
Sa Samar at Leyte ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan dala ng panahong amihan. Sa bayan ng St. Bernard sa Katimugang Leyte, umabot na sa isang libo't isang daan at anim na pu't apat (1,164) na pamilya na ang nagsilikas at pansamantalang naninirahan sa mga silid aralan ng bayan.
Sa tanggapan ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace, sinabi naman ni Cynthia Perez na naghihintay lamang sila ng tawag mula sa mga kinatawan ng iba't ibang lalawigan upang makapagpadala ng mga pagkain at iba pang mga kailangan ng mga nasalanta ng halos walang humpay na pag-ulan.
Sa isang iba pang balita, balak ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ipagbili ang pinakatanggapan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Pambansang Pulisya. Bagama't magkakataliwas ang pananaw ng mga mambabatas at ng karaniwang tao sa balak na ito, malamang na matuloy ito sapagkat kailangan ng salapi ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan sa modernization ng sandatahang lakas at ng pulisya. Balak ding dagdagan ang benepisyo ng mga nagretirong mga kawal at pulis at dito rin kukunin ang salaping ibibigay sa mga tauhan ng Kagawaran ng Tanggulang Pangbansa at Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Nauna nang ipinagbili ang malaking bahagi ng Fort Bonifacio na siyang himpilan ng Philippine Army o Hukbong Katihan ng Pilipinas noong dekada noventa. Wala pang inilalabas na impormasyon kung saan ililipat ang mga kampo ng militar at pulisya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |