Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-36 2010

(GMT+08:00) 2011-01-18 09:21:28       CRI

December 25, 2010 (Saturday)

Magandang-magandang gabi at Maligayang Pasko sa inyong lahat. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika at Iba Pa…

Kumusta na kayo? Okay lang ba kayo diyan? E, kumusta naman ang inyong Noche Buena? Sana naman e ayos lang.

Gusto kong pasalamatan ang mga sumusunod sa kanilang contribution sa aming mga programa: Rommel Fulgencio ng Aklan, Masami Shigematsu ng Pandacan, Romulo de Mesa ng Marinduque, Rodel Martinez ng San Andres, Luz Amamio at Estrellita Serrano ng Sta. Ana, Techie Villareal ng West Coast Way Singapore at Jane ng Riyadh, Saudi Arabia. Maraming salamat at maligayang Pasko sa inyo.

Salamat din kina Dr. George Medina ng San Andres, Poska ng Finland, Liza ng Switzerland, at Mareng Gina ng Baclaran sa kanilang encouragement at moral support. Maraming salamat at Merry Xmas sa inyo…

Meron ditong mahabang SMS mula sa 915 220 2441. Sabi: "Dear Kuya Ramon, magandang gabi sa inyong lahat diyan sa Serbisyo Filipino ng China Radio International. Sana nasa mabuti kayong kalagayan sa oras na ito. Gusto ko lang sanang ipaalam sa iyo na nagpadala ako sa iyo ng holiday greeting card kasama na ang holiday greeting card ng friend kong si Yoligio Armiza. Alam mo, kinagigiliwan ko na makinig palagi sa "Gabi ng Musika" at napakamainam na makinig palagi for relaxation. Ang natatanging wish ko para sa iyo sa darating na Pasko na sana biyayaan ka ng ating Maykapal ng magandang kalusugan at mahabang buhay para mapakinggan pa rin namin sa matagal na panahon ang Gabi ng Musika para patuloy na magbibigay sa amin ng saya na walang kapantay dahil sa boses mo pa lamang na kay ganda, kaming mga tagapakinig mo ay wala nang hahanapin pang iba dahil tanging ikaw lamang ang makakapagbigay sa amin ng tunay na ligaya sa pamamagitan ng mga pinatutugtog mong mga magagandang musika. Mabuhay ka, Kuya Ramon!

Naku, nakakataba naman ang SMS mo. Maraming salamat, maligayang Pasko at God bless!

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Sabi ni Mato ng Pandacan, Manila: "Kuya Mhon, peace and love for you on Christmas Day. We all love you. You are the only one for us!"

Sabi naman ni La Trixia ng Quezon City: "Merry Christmas to the best broadcaster and DJ in town. Champion ka, Kuya RJ. I love you, man!"

Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran, Singapore: "Masayang masayang bati, pareng Ramon mula sa grupo ng M/V Aldavaran na nasa gitna ng karagatan. Mabuhay!"

Sabi naman ni Mina ng Shunyi, Beijing: "Sana okay ka lang sa mga panahon ng Kapaskuhan, Kuya Mon. I stick to your program all the time!"

Sabi naman ni Ronnalyn ng Beijing, China: "May you experience real peace, real tranquility on Christmas Day."

Merry Christmas din sa inyo. Thank you so much and God bless.

MERRY CHRISTMAS DARLING

(COUNTERPOINT BAND)

Narinig ninyo ang Counterpoint Band sa kanilang sariling version ng awiting "Merry Christmas Darling. Iyan ay recorded live mula sa Swiss Hotel Beijing.

Ngayon, tunghayan naman natin ang snail mail ni Flor Tejada ng Novaliches, Quezon City.

Sabi niya: "Dear Kuya Ramon, makulay na Pasko ang bati ko sa inyong lahat diyan sa China. Sana okay kayo sa inyong mga trabaho. Okay lang din kami dito kahit tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil maraming nananamantala sa shopping spree. Magpa-Pasko, eh. Kuya, ang reception ninyo last week, sa buong linggo, ay SINFO 3-3-4. Okay na rin ito. Narinig ko ang inyong culture, kaalaman at current affairs, pati iyong Alam ba Ninyo at Gabi ng Musika. Marami na rin akong natutuhang lessons sa buhay sa pakikinig ko sa inyong letter-reading. Magaganda ang descriptions ninyo sa iba't ibang lugar sa China sa inyong "Paglalakbay." Nagaganyak na mag-tour sa China ang mga taga-ibang bansa. Nababanggit din ninyo maski lugar sa Beijing na never heard sa amin. Haping-happy ako pag binabasa ninyo ang text messages ko sa Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika. Madalas akong mag-text at binabasa ninyo agad. Kung nagbabalak kang gumawa ng New Year program, sabihan mo lang ako. Puwede akong mag-contribute dito. Okay, Kuya Ramon, medyo mahaba na ito. Merry Christmas na lang uli."

Maraming salamat sa iyong sulat, Flor. Merry Christmas and God bless.

PASKO NA SINTA KO

(SUPER DJ HAPPY)

Iyan naman si Super DJ Happy sa kanyang sariling interpretasyon ng awiting "Pasko na Sinta Ko." Talaga naman. Pasko na. Merry Christmas sa iyo, Super DJ.

Sabi ng 921 577 9195: "Sana maganda ang dating ng Advent sa inyo. Ito ay panahon din ng pagmumuni-muni at pagbibilang ng mga biyayang tinanggap natin sa buong taon."

Sabi naman ng 906 201 1704: "Ang Christmas ay matagal nang sumapit para sa mga tatanggap ng aginaldo, pero hindi pa para sa mga magbibigay. Magtiis lang nang kaunti iyong mga giver. May naghihintay na biyaya."

Sabi naman ng 918 730 5080: "Ang Pasko ay birthday ng dakilang manunubos. Tungkulin natin na ipagdiwang ito sa pinaka-espesyal na paraan na maiisip natin."

Sabi naman ng 917 464 0211: "Makulay at matunog na Pasko sa lahat ng reporters ng Serbisyo Filipino. Sana malubos ang kaligayahan ninyo sa araw na ito ni Christ."

Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS. Merry Christmas and God bless.

KUMUKUTIKUTITAP

(RYAN CAYABYAB)

Ryan Cayabyab at ang kanyang awiting "Kumukutikutitap." Iyan ay isa sa mga koleksiyon namin ng Christmas songs.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at Merry Christmas and Happy New Year to you all.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>