Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sulyap sa Beijing mula sa aking bintana

(GMT+08:00) 2011-01-27 16:22:03       CRI

Sapul nang ako ay dumating dito sa kamangha-mangha at napakagandang siyudad na ito ng Tsina, isang maunlad at sopistikadong lunsod, na puno ng kinang ng kasaganaan at teknolohiyang malayo sa aking kinagisnang bayan, na sumasalamin sa isang maunlad na ekonomiya at bansa ang bukas-palad na tumanggap sa akin.

Ang siyudad ng Beijing, na sentro ng pulitika at ekonomiya ng bansang Tsina at dibuho ng kaunlaran ang siyang nagsisilbing aking pangalawang tahanan at kanlungan ng aking pangalawang pamilya – ang Serbisyo Pilipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI).

Sa tuwing umagang ako ay gigising, lagi kong natatanaw sa di-kalayuan ang mga nagtataasang gusali na tila nagpapaligsahan sa pag-abot ng mga ulap sa kalangitan, mga naggagandahang sasakyan na tumatakbo sa malalawak na kalsada, at mga magagandang tanawing, noong una ay sa mga aklat at mga website sa internet ko lang nakikita.

Tunay ngang ang siyudad na ito ay maunlad at maaari nang ikumpara sa mga lunsod na katulad ng New York sa Estados Unidos (US), Paris sa France, Tokyo sa Japan, at London sa United Kingdom (UK).

Ang salitang Beijing, na ang ibig sabihin ay "northern capital" ay isang metropolis sa dakong hilaga ng Tsina sa ilalim ng direktang pamumuno ng pamahalaang sentral ng nasabing bansa.

taglamig sa Beijing, ganda na

Ito ay mahalagang sentro ng transportasyon, kultura, at komunikasyon na nagtataglay ng mga sopistikadong daang-bakal, kalsada, paliparan, at mga pamantasang humuhubog sa bagong kasanayan ng mga Tsino ng ika-21 siglo.

Ngunit sa kabila ng lahat ng progresong ito, mayroon pang isang mukhang naikukubli ang lunsod: ito ay ang Beijing na puspos ng yaman sa kulturang Asyano, tahanan ng mga taong mapagmahal sa kapayapaan at kagandahang-asal, at salamin ng nakalipas na panahon.

Sa loob ng halos dalawang-libong taon, ang lunsod ay nagsilbing sentro ng ibat-ibang dinastiyang naghari sa bansang Tsina at sumasalamin ng nakalipas na panahon.

Ang Ilan sa mga patunay dito ay ang kagila-gilalas na Forbidden City na nagsilbing tahanan ng mga emperador ng Ming at Qing dynasties, ang Summer Palace, na idineklara ng UNESCO bilang isang World Heritage Site na nagpapakita ng komprehensibong koleksiyon ng mga imperial garden at palasyo na nagsilbi ring tirahan ng mga emperador ng Qing Dynasty tuwing tag-init, mga ibat-ibang templo, mga ibat-ibang magagandang parke at halamanan, at ang kilalang Great Wall of China.

 

sa Forbidden City

Sa lahat ng ito, at sa aking pananaw, ang pinakaimportanteng sangkap na pumukaw sa aking damdamin ay ang katangian ng pagiging mapagmalasakit, magalang, at mapagmahal sa kapwa ng mga Tsino: isang katangian na matibay na sumasalamin sa tunay na katauhan at kalooban ng lahing Asyano.

Sa gitna ng pag-unlad sa teknolohiya, siyensiya, at ekonomiya, nakita at naramdaman ko, sa aking pakikisalamuha sa kanila ang init ng pagtanggap ng isang tunay na kapatid at kapamilya.

Ang mga katangiang ito ay nananatili pa ring buhay sa kanilang mga damdamin at kanilang isinasabuhay sa mga araw-araw na gawain.

Sa isang banda, kamangha-mangha, na sa gitna ng mga pag-unlad na nabanggit ay napanatili nila ang kanilang sariling pagkakakilanlan. Sa likod ng telon ng progreso ay nagawa nilang lalo pang pagalabin ang apoy na sumususog sa katangiang Asyano.

Sa aking palagay, isa itong magandang ehemplo: ehemplo na dapat ay pamarisan ng iba pang lahi, hindi lamang ng ibang mga Asyano, kundi pati na rin ng mga taga-kanluran.

Sa pangkalahatan, masasabi kong ang Beijing ay isang lunsod na may dalawang mukha: ang mukha ng pag-unlad at progreso at ang mukha ng kagandahang-asal na katangi-tanging ehemplo ng isang tunay na kultura at bansang Asyano.

/end/rmz//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>