![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration Deputy Administrator for Employment and Welfare Viveca C. Catalig, naipaliwanag na nila ang kagalayan sa mga bansang nasa Gitnang Silangan at Silangang Africa sa mga manggagawang nakatakda nang umalis ngayong linggo.
Nakausap na nila kanina ang sampung mangagawa patungo sa Bahrain, pitong patungo sa Libya at isang manggagawang patungo sa Yemen na maghintay-hintay hanggang sa maging maayos na ang kalagayan ng mga patutunguhan nilang bansa.
Ayon kay Binibining Catalig, napakahirap namang payagan ang mga manggagawang umalis ng Pilipinas samantalang nanganganib naman pagdating sa kanilang paroroonan.
Ngayo'y mayroong 31,000 Filipino sa Bahrain, 26,000 sa Libya at 1,400 na manggagawang nasa Yemen. Karamihan sa kanila'y nasa konstruksyon, pabrika at iba't ibang service areas.
Ipinaliwanag ni Binibining Catalig na sa Gitnang Silangan matatagpuan ang pinakamaraming hanapbuhay hanggang ngayon.
Sa panig ni Fr. Edwin Corros ng CBCP, naniniwala siyang ligtas ang mga Pilipino sa kanilang kinalalagyan sapagkat wala pa siyang natatanggap na anumang tawag sa telepono mula sa mga manggawa doon. Karaniwan na aniyang mag-alala ang mga pamilya at kamag-anak na nasa Pilipinas dahilan sa mga nakikita sa mga telebisyon, naririnig sa radio at nababasa sa mga pahayagan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, handang-handa ang mga embahada sa Tripoli, sa Manama at sa Riyadh upang tulungan ang mga manggawang Pilipino. Mayroong 24-hour monitoring teams na nakatalaga doon.
Pinayuhan na rin ang mga manggawang huwag munang lumabas ng kanilang worksites at huwag papagitna sa mga demonstrador na nag-aaklas laban sa kani-kanilang mga pamahalaan at pamunuan.
Maayos din ang lagay ng 1,800 mga Pilipinong manggagawa na nasa isang paliparan sa Benghazi at may sapat na pagkain at tubig na maiinom. Walang anumang evacuation orders mula sa mga embahada ng Thailand, Pakistan, India, Indonesia at Bangladesh sa mga bansang may kaguluhan ngayon.
Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo M. Acuna, nag-uulat para sa China Radio International-Filipino Section.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |