|
||||||||
|
||
Sa kauna-unahang pagkakataon, sinabi ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front na kapwa sila umaasang maipapasa ang susog sa Republic Act 9054, ang batas na siyang bumuo sa Autonomous Region of Muslim Mindanao.
Ito ang nabanggit sa isang kalatas na ipinalabas sa Fourth Tripartite Meeting ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng MNLF at Organization of Islamic Conference sa idinaos sa Jeddah, Saudi Arabia mula noong Martes at Miyerkoles noong isang linggo.
Layunin ng pagsusog sa batas ang pagbabalik-aral sa narating at nagawa ng nilalaman ng kasunduang pangkapayapaan na nilagdaan ng mgakabilang-panig ayon sa GPH-MNLF 1996 Final Peace Agreement.
Tanggap ng magkabilang panig ang pagbuo ng Bangsamoro Development Assistance Fund na bumuo ng isang lupon ng mga dalubhasa na bubuo ng terms of reference para sa palatuntunan.
Positibo umano ang pamahalaan sa pagharap sa mga isyu sa pagitan ng pamahalaan at ng MNLF kabilang na ang pag-uusap tungkol sa plebesito at paghahati ng kita mula sa mga buwis.
Niliwanag ni Presidential Adviser on the Peace Process, Teresita Quintos Deles na hindi kailanman papapayag ang administrasyon ni PNoy na may maiwang mga usapin .
Umaasa si Kalihim Deles na sa pamamagitan ng 1996 Final Peace Agreement, nagkaroon ng bagong pag-asa at nanawagan sa mga nakasaksi na gawin ang lahat upang magkatotoo ang kapayapaan.
Sa kanilang pormal na paghaharap 36 anim na isyu ang ipinalibas. Niliwanag din ng Kalihim Deles na hindi kailanman lalagda sa kautusan o kasunduan si Pangulong Aquino kung hindi ito magwawakas sa tunay na kapayapaan.
Ang isa pang malaking grupo ng mga Muslim na lumaban sa Pamahalaan ay ang Moro Islamic Liberation Front – isang maituturing na splinter group noong lumagda ang MILF sa Kasunduang Pangkapayapaan. Mayroon ding pakikipag-usap ang Pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front.
Samantala, unti-unti nang nararamdaman ng mga Pilipino ang epekto ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan at sa Hilagang Silangang Africa.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga ng gasolina na ngayo'y tumaas na naman ng piso at dalawampu't limang sentimos bawat litro samantalang tumaas naman ng piso bawat litro ng diesel.
Tumaas din ang presyo ng Liquified Petroleum Gas sa halagang uno singkwenta bawat kilo. Magugunitang marami-rami ring mga sasakyan ang umaasa sa liquefied petroleum gas sa kanilang pamamasada.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |