|
||||||||
|
||
Ayon sa naturang ulat, ang paghaharap ng mga mungkahi hinggil sa pagtatakda at pagsasagawa ng ika-12 panlimahang taong plano ay pangunahing gawain ng CPPCC noong nakaraang taon at masusing tungkulin nito sa darating na isang taon. Sa kasalukuyan, itinakda na ang burador ng plataporma ng ika-12 panlimahang plano ng Tsina, at 2011 ay unang taon ng planong ito. isinalaysay ni Jia na:
"Dapat patuloy na subaybayan at pasulungin ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at ukol sa mga mahalagang isyung tulad ng pagpapasulong ng reporma ng sistema ng distribusyon ng kita, pagpapabuti ng mahinang esktor ng sistema ng paggarantiyang panlipunan, pagpapabilis ng konstruksyon ng sistema ng low-incoming houses at iba pa, dapat isagawa ang aktuwal ng aksyon at magsikap para pasulungin ang komprehensibo at sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan."
Para sa mga kagawad ng CPPCC, ang pagharap ng mosyon ay pinakadirekta at pinakamabisang paraan na isakatuparan nila ang kanilang tungkulin. Hanggang noong ika-2 ng buwang ito, tinanggap ng taunang sesyon ng CPPCC sa taong ito ang mahigit 700 mosyon. Hinggil dito, sinabi ni Jia na:
"Dapat gawing maalwan ang tsanel ng pangongolekta, pagpeprensenta at paggawa ng feed-back ng mga impormasyon, dapat aktibong hanapin ang bagong paraan ng pangongolekta ng impormasyon sa pamamagitan ng internet."
Ang taunang sesyon ng CPPCC sa taong ito ay tatagal nang 11 araw, at matatapos ito sa umaga ng ika-13 ng buwang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |