![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Aalis ng bansa si Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III at magtutungo sa Indonesia sa darating na Lunes at tatagal hanggang sa Miyerkoles bago maglakbay patungong Singapore upang palakasin ang relasyon ng Pilipinas sa dalawang bansa.
Ang mga pagdalaw na ito ay bilang pagtalima sa tradisyon ng pagbibigay-galang ng mga bagong pinuno ng bansa sa Timog-Silangang Asya sa mga kalapit bansa.
Makaka-daupang palad ni Pangulong Aquino si Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono at pag-uusapan ang mga kasunduan tungkol sa pangingisda, hangganan ng mga karagatan at iba pang mahahalagang bagay. Sasaksi din ang pangulo sa paglagda sa tatlong kasunduan mula sa basic education, sports cooperation at pagtutulungan upang maiwasan at malabanan ang transnational crimes. Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, ang mga kasunduang ito ay makatutulong sa pagkakaibigan ng mga Indones at mga Pilipino.
Sa kanyang pagdalaw sa Singapore, makakausap niya si Singaporean President SR Nathan and Prime Minister Lee Hsien Loong at magiging paksa nila ang Public-Private Partnership, Philippine-Singapore Action Plan at mga isyung may kinalaman sa Association of South East Asian Nations.
Pararangalan siya ng mga Singaporean sapagkat isang uri ng orchid ang ipapangalan sa kanya, isang kaugalian ng mga Singaporean para sa mga dumadalaw ng pinuno ng ibang bansa.
Sa dalawang bansa, makakausap ni Pangulong Aquino ang mga Pilipinong nasa Jakarta at Singapore tulad rin ng mga mangangalakal at malalaking mga samahan at pagpipilitang makapangalap ng kalakal para sa kanyang liderato.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |