|
||||||||
|
||
Nagpadala ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng dalawang eroplano sa pinagtatalunang bahagi ng South China Sea matapos mag-ulat ang isang barkong naghahanap ng langis na rehistrado sa Pilipinas na hinarap sila ng dalawang Chinese patrol boats kahapon.
Ayon sa Asian Wall Street Journal, naganap ang insidente noong Miyerkoles, a-dos ng Marso. Ito umano ang pinakahuli sa mga insidenteng napupuna sa karagatang sinasabing pag-aari ng China, ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.
Noong nakalipas na taon, ang relasyon ng Vietnam at China ay lumamig matapos dakpin ang mga bangkang pangisda ng Vietnam ng mga barkong Tsino sa karagatang pag-aari umano ng China. Sumama naman ang loob ng Beijing noong nakalipas na taon ng sabihin ni US Secretary of State Hillary Rodham Clintin sa mga dumadalo sa isang regional security forum sa Hanoi na interesado ang America na ang payapa at multi-lateral resolution ng sapin-saping territorial claims.
Sa panig ng Chinese Embassy sa Maynila, sinabi ni Ginoong Ethan Y. Sun, ang tagapagsalita at Deputy Chief of Political Section, binigyang-diin niya na noon pa mang nakalipas ng sinaunang panahon, nasakop na ng China ang Nansha Islands at ang mga kalapit na karagatan nito. Naninindigan ang China sa mga isinasaad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea ang nagpapahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa South China Sea.
Ayon kay Ginoong Sun, naniniwala ang mga Chino na ang mga hindi pagkakaunawaan ay marapat lamang na malutas sa pamamagitan ng mapayapang pag-uusap.
Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo M. Acuna, nag-uulat para sa China Radio International-Filipino Section.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |