|
||||||||
|
||
Mula sa Maynila, sinabi ng mga pinuno ng Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment na nagawa na nila ang bahagi ng kanilang tungkuling mailikas ang mga manggagawang Pilipino mula saTripoli, Benghazi at iba pang pook sa magugulong bahagi ng Hilagang Africa at Gitnang Silangan.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Administration Rafael E. Seguis, nagawa na nilang masundo ang mga manggagawa mula sa Misuratha at Brega at nakapaglakbay na ang barking Ionian Queen mula sa Tripoli sa Libya.
Sa isang press conference ngayong Lunes,sinabi ni Ginoong Seguis na sa nakalipas na linggo hanggang noong araw ng Sabado, ay marami na silang nagawa. Idinagdag pa ang opisyal na mas marami pang nararapat gawin sa pagtutulungan ng dalawang kagawaran at masundo ang mga Pilipinong mula sa ibang lugar na nagnanais makabalik ng Pilipinas.
Sa tulong ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, at sa suporta ng mga kawani sa DFA at DOLE sa Pilipians, nakuha at naiigtas ang 12,000 mga Pilipio sa Libya mula sa kapahamakan at halos apat na libo na sa kanila ang nakabalik sa Pilipinas.
Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo M. Acuna, nag-uulat para sa China Radio International-Filipino Section.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |