Sa panahon ng sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa Beijing, pinag-uukulan ng pansin ng mga media, dalubhasa at iskolar na dayuhan ang pagsisikap ng pamahalaang Tsino sa pagpapataas ng kita ng mga residente, at pinapurihan nila ang iniharap na target ng mga lider na Tsino na "panatilihin ang paglaki ng kita ng mga residente, kasabay ng paglaki ng kabuhayan."
Ang mga mediang dayuhan ay kinabibilangan ng "The Wall Street Journal," ng Amerika, Nihon Keizai Shimbun ng Hapon at marami pang iba.
Bukod dito, sinabi ni Stanley Rosen, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Silangang Asya ng University of Southern California ng Estados Unidos, na sa panahon ng dalawang sesyon, nagharap ang pamahalaang Tsino ng target ng pagpapahalaga ng pamumuhay ng mga mamamayan, ibig sabihin, ito'y magpapataas ng lebel ng kita at pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Li Feng