|
||||||||
|
||
Sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), sinabi ngayong araw ni Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC, na naisakatuparan sa nakatakdang panahon ang pagkumpleto sa target na bumuo ng sosyalistang sistemang pamabatas na may katangiang Tsino para sa taong 2010.
Sa kaniyang Working Report nang araw ring iyon, sinabi ni Wu na hanggang noong katapusan ng 2010, nakapagbalangkas na ang Tsina ng 236 na mabisang batas, humigit-kumulang sa 690 administratibong regulasyon, at mahigit 8600 batas na lokal.
Idinagdag pa niyang sa gawaing lehislatibo sa hinaharap, dapat aktibong hanapin ang paraan at porma ng maayos na pakikilahok ng mga mamamayan sa lehislasyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |