|
||||||||
|
||
Sa preskong idinaos ngayong umaga ng ika-4 na pulong ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, sinagot ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang mga tanong ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng Tsina hinggil sa paglaki ng kabuhayang Tsino, reporma sa sistemang pulitikal, pagpigil sa implasyon at iba pang isyu.
Ipinahayag ni Wen na ibinaba ng Tsina ang antas ng paglaki ng kabuhayan para ilipat ang pangunahing paraan ng pag-unlad ng kabuhayan sa pag-unlad ng teknolohiya at pagtaas ng kalidad ng mga labour upang walang humpay na mapataas ang kalidad at episiyensiya ng paglaki ng kabuhayan. Ilalagay ng Tsina ang pagpigil ng implasyon sa unang puwesto ng mga gawain ng makro-kontrol, at ang Tsina ay may kompiyansa sa pamamahala sa inflation expectation. Hinggil sa isyu ng presyo ng mga pabahay, sinabi ni Wen na unang-una, dapat kontrolin ang liquidity ng currency. Kasabay nito, dapat isaayos ang pangangailangan ng pamilihan sa pamamagitan ng pinansiya, buwis at pananalapi, at dapat palakasin ang responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan.
Hinggil sa isyu ng reporma ng sistemang pulitikal, ipinahayag ni Wen na mahirap ang pagpapasulong ng reporma ng sistemang pulitikal sa Tsina, isang malaking bansa na may 1.3 bilyong populasyon. Kinakailangan ang matatag at may harmoniyang kapaligirang panlipunan, at dapat maayos na isagawa ito sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina. Ipinalalagay niyang ang anumang bansa ay dapat tumahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa kani-kanilang kalagayan ng bansa. At maaaring igalang at pagaaralan sa ias't isa ang iba't ibang bansa at landas ng pag-unlad.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |