Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pinoy sa Bahrain, Pinag-iingat

(GMT+08:00) 2011-03-15 17:45:22       CRI
Dahilan sa umiinit na situasyon sa Bahrain, itinaas ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level sa Alert Level 2 na nangangahulugan ng "restriction of movement."

Ayon kay Foreign Undersecretary Rafael E. Seguis, nanawagan sila sa mga Filipino na nasa Bahrain na huwag na munang maglalabas ng bahay at kung maari'y umalis na muna sa bansa.

Idinagdag pa ng opisyal na bagama't umaasa silang maaayos ang situasyon sa mayamang bansa, kailangan ang precautionary measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy doon.

Samantalang wala pang dahilan upang itaas ang Alert Level sa bilang ikatlo na nangangahulugan ng "voluntary repatriation," gagawin ng Department of Foreign Affairs ang paghahanda para sa mga kaukulang pasilidad. Unang naglabas ng travel advisory ang Pilipinas noong a-beinte uno ng Pebrero na huwag na munang maglakbay patungo sa Bahrain. Ang mga bansang United Kingdom, Australia at New Zealand ay naglabas din ng ganitong advisory.

Kinakausap na ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga samahan ng mga Pilipino doon upang talakayin ang "contingency measures" na kinakailangan.

Si Ambassador Corazon Yap-Bahjin ay nanawagan sa mga mamamayang manatiling kalmado at maging mapagbantay sa mga nagaganap sa kanilang kapaligiran.

Samantala, sinabi ni Fr. Edwin Corros ng Episcopal Commission on the Pastoral Care for Migrants and Itinerant People na wala pa silang anumang mensaheng natatanggap mula sa kanilang mga chaplain na nakatalaga sa iba't ibang bansa na may kakaibang situasyon.

Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo M. Acuna, nag-uulat para sa China Radio International-Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>