|
||||||||
|
||
Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Liu Jianchao na magpapatuloy na lumago ang kalakal sa pagitan ng China at ASEAN. Sa kanyang press briefing, sinabi ni Ginoong Liu na kitang-kita ang paglaki ng kalakal sa mga nakalipas na taon.
Sa Pilipinas na lamang ay nananatiling pabor sa Maynila ang datos mula sa Chinese Customs na ang kalakal sa pagitan ng dalawang bansa ay umabot sa dalawampu't pitong bilyon, pitong milyong dolyar sa taong 2010.
Mas marami ang binili ng China sa Pilipinas na umabot sa halagang $ 16.2 B at ang kanilang ipinagbili sa Pilipinas ay umabot sa halagang $ 11.5 B.
Ang China ang ikatlong pinakamalaking pamilihan para sa mga produktong Pinoy samantalang ang Pilipinas naman ang nasa ika-anim na puesto sa mga bansang kasama ng Association of South East Asian Nations.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |