|
||||||||
|
||
Dahilan sa tuloy-tuloy na pag-ulan, dala pa rin ng panahong amihan, binaha ang lalawigan ng Leyte at ang Lungsod ng Tacloban at kinailangang ilikas ang may animnapung libo katao.
Ayon kay Defense Undersecretary Benito T. Ramos, kahit na ang lalawigan ng Bohol sa Region VII, ang lalawigan ng Samar, Western Samar at Timog Leyte at Leyte Province ay patuloy na nakararanas ng matinding ulan.
May naganap ding mga pagguho ng lupa at pagbaha sa Tacloban City at sa bayan ng Palo kaya't walang makadaang mga sasakyan sa kahabataan ng Daang Maharlika. Kahapo'y pito katao ang nasawi dahilan sa pagguho ng lupa sa Tacloban City.
Umabot na sa animnapung libo katao ang lumikas at pansamantalang naninirahan sa mga paaralan at palaruan sa Tacloban City at mga kalapit pook.
Ang pito kataong bumubuo ng Pamilya Jordan ay nalibing ng buhay ng gumuho ang lupa sa isang Barangay sa Tacloban City.
Mayroon ding mga ipo-ipo na naganap sa kalagitnaan ng Pilipinas na puminsala sa ilang kabahayan sa Banga, South Cotabato.
Biglaang tumaas ang tubig sa ialng barangay ng mga bayan ng Jagna at Bilar sa lalawigan ng Bohol.
Sinabi ni Undersecretary Ramos na kanilang tinutulungan ang mga nasalanta sa pamamagitan ng relief goods at mas ligtas na matitirhan.
Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo M. Acuna, nag-uulat para sa China Radio International.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |