Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yemen, Dinalaw ng Philippine Foreign Secretary

(GMT+08:00) 2011-03-21 18:32:30       CRI

Sa likod ng balitang hindi makapagbibigay ng anumang pahayag ang Pamahalaan ng Pilipinas sa ginagawang pagsalakay ng iba't ibang bansa sa Libya, dumating sa Yemen si Philippine Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario kahapon upang magsuri sa mga nagaganap doon ay pagbalik-aralan ang ginagawa ng Embahada ng Pilipinas sa bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa.

Nakausap niya sa isang hapunan si Yemeni Foreign Minister Dr. Abu Bakr Al-Qirbi sa Lungsod ng Sanaa. Tiniyak ng Yemeni Foreign Minister na handang ipagsanggalang at matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino doon.

Magkasamang naglakbay sina Kalihim Del Rosario at Foreign Affairs Undersecretary Rafael E. Seguis. Binigyan sila ng briefing ni Charge d'Affaires Ezzedin H. Tago.

Sa pakikipag-usap sa mga manggagawang nasa Yemen, binigyan sila ng contact numbers na magagamit sa oras na magkaroon ng problema. Mayroon na ring mga hinirang na coordinator para sa iba't ibang pook sa Yemen. Halos isang libo't limang daan ang mga Pilipino sa Yemen na ang karamiha'y nasa Lungsod ng Sanaa.

Mayroon ding isang Honorary Consul sa Sanaa, ang negosyanteng si Mohamed S. Al-Jamal na tutulong sa mga tauhan ng embahada sa pangangalaga sa mga manggagawang Pilipino doon.

Samantala, ipinalalabas na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang halagang dalawampu't limang milyong piso o higit sa apat na milyong Renmenbi upang higit na mapalakas ang kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking.

Sa ulat ng Inter-Agency Committee Against Trafficking na dating pinamumunuan ni Bise Presidente Jejomar C. Binay, sinabi niya na ipinalababas na ang pondo ni Pangulong Aquino matapos mabalitaan ang mga nagawa ng komite sa nakalipas na panahon.

Pinag-iibayo ng pangulo ng bansa sa komite na gawin ang lahat upang mapigil ang illegal na gawain ng human trafficking syndicates at marapat lamang magbigay ng targets sa pinaka-madaling panahon.

Sa ulat kay Pangulong Aquino, mula Mayo 2009 hanggang Marso 16, 2011, umabot na sa 24 ang nahatulang mabilanggo dahilan sa human trafficking at mahigit sa singkuwenta y tres por soyento sa kabuuhang 45 convictions mula 2003 hanggang 2011.

Magugunitang ang unang conviction sa kasong Trafficking for Forced Labor or Exploitation ay iginawad noong a-ocho ng Pebrero taong 2011 sa pamamagitan ng Regional Trial Court Branch 14, Zamboanga City. Nahatulan ang akusado ng pagkakabilanggo ng dalawampu't limang taon, multang isang milyong piso at karagdagang dalawampung taon at multang dalawang-daan' at limampung libong piso sa kasong illegal recruitment.

Ito si Melo M. Acuna mula sa CBCP Media Office nag-uulat para sa China Radio International – Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>