Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, naiiwan sa renewable energy development

(GMT+08:00) 2011-03-22 16:47:21       CRI

Isang senador ang nagsabing naiiwanan na ang Pilipinas kung "renewable energy" ang pag-uusapan dahilan sa kawalan ng suporta sa industriya.

Ayon kay Senador Edgardo J. Angara, dating pangulo ng senado at pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas, ang "Feed In Tariff (FIT)" rates ay kailangang isaayos upang maisulong ang paggamit ng renewable energy upang huwag nang maiwanan at sa halip ay maging agresibo upang makasama ang renewable energy systems sa energy mix ng bansa.

Si Angara ang pinuno ng Congressional Commission on Science Technology and Engineering. Ayon sa mambabatas, ang renewable energy tulad ng nagmumula sa hangin, init ng araw at biomass ang may kakayahang makabuo ng luntiang enerhiya na siyang makababawas sa pag-asa sa langis na mula sa ibang bansa sapagkat makapagdudulot din ito ng panibagong hanapbuhay sa mga mamamayan.

Nabili na kasi ng Ayala Group of Companies ang limampung porsiyentong bahagi ng kumpanyang may-ari ng 33 megawatt na wind farm sa Bangui Bay, sinabi ni Angara na ang pribadong sektor na nakakakita ng mas magandang kunabukasan sa renewable energy. Dito kailangan ang suporta ng pamahalaan.

Ang mga kumpanyang tulad ng San Miguel Corporation, Lopez Group at ang Abotiz Group of Companies ay mayroon nang mga investment sa Renewable Energy.

Ang Lopez Group ang nakabili ng Energy Development Corporation na gumagamit ng geothermal energy sa pagpapatakbo ng mga turbina upang magkaroon ng kuryente mula sa hangganan ng Albay at Sorsogon, Leyte, Bacolod at Dumaguete sa Negros Island at sa Mt. Apo sa Mindanao.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>