Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdinig tungkol sa kahandaan ng Pilipinas sa mga usaping panglabas, idinaos; Pangawalang Pangulong Binay, umalis patungong Qatar at Saudi Arabia, "isotopes" nasagap ng nuclear research institute

(GMT+08:00) 2011-03-29 18:49:16       CRI

NAGING mabigat ang unang tatlong buwan ng taong 2011 para sa Pamahalaan ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang kabutihan at kaligtasan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Ayon kay Senate Foreign Relations Committee Chairperson Senador Loren Legarda, ang mga naganap sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa at ang mga problema at panganib sa ilang bansa, ang siyang sumubok sa kakayahan ng pamahalaan, kabilang na ang mga embahada at mga konsulado sa ibang bansa, na gawin ng maayos ang kanilang mga obligasyon para sa mga kababayang Pilipino.

Ang kaguluhan sa larangan ng politika sa Tunisia at Egipto ay tila natapos na subalit patuloy pa ring binabantayan ang mga nagaganap sa Yemen, sa Bahrain at Syria. Higit na lumala ang kalagayan ng Libya sa pagpasok sa eksena ng United Nations Security Council at ng mga sandatahang lakas ng iba't ibang bansa sa Kanlurang bahagi ng daigdig. Bagama't may mga nakauwi na mula sa Libya, marami pa ring naiwanan doon.

Samantala, ang mga paglindol sa New Zealand at sa Japan ay lumalabas na mas mabigat kaysa sa karaniwang mga suliranin ng mga Pilipino sa mga bansang nabanggit.

Problemado rin ang mga kamag-anak na naiwan sa PIlpinas lalo pa't nababalam ang balitang natatanggap mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa "Commission on Filipinos Overseas," halos dalawa't kalahating milyong mga Pilipino ang nasa iba't ibang bansa sa Gitnang Silangan at halos animnapu't limang libo naman ang nasa Hilagang Africa.

Mga propesyunal ang mga Pilipinong nasa Bahrain, sa Oman, Yemen, Syria at Jordan. Karamihan naman ng mga Pilipino ang nasa exploration ng oil and gas. Nobenta y nuwebe porsiyento ng 17,020 ang kinikilalang "highly skilled workers," samantalang 93% ng may 28,000 manggagawa naman ang nasa Jordan.

UMALIS naman patungong Qatar at Kaharian ng Saudi Arabia si Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay kaninang ika-anim na gabi. Inutusan siya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino na kausapin ang mga pinuno ng bansa upang higit na maging maayos ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino doon.

Sa kanyang "pre-departure statement," sinabi ni Ginoong Binay na makikipag-usap siya sa mga manggagawa sa Qatar at Saudi Arabia upang matulungan si Pangulong Aquino na bumuo ng mga programa at paraan tungo sa mas magandang katayuan ng mga manggagawa, hindi lang sa Gitnang Silangan kungdi sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Mahalaga rin umano ang papel ng Saudi Arabia sapagkat tumutulong din sila na matamo ang kapayapaan sa Mindanao na siyang tahanan ng mga Muslim. Ipararating din niya ang pasasalamat sa pinuno ng Saudi Arabia dahilan sa mga pagpapatawad na iginawad sa mga nagkasalang Pilipino sa kanilang batas.

NASAGAP na ng mga siyentipiko sa Pilipinas ang maliliit na bahagi ng "radiation" mula sa napinsalang palntang nukleyar subalit wala itong anumang maidudulot na panganib sa mga mamamayan.

Ayon kay Tina Cerbolis, taga-pagsalita ng Philippine Nuclear Research Institute, nakasagap sila ng "isotopes" subalit walang dapat ipangamba ang publiko. Napakaliit na bahagi ang nakuha sa hangin.

Ayon kay Science Undersecretary Graciano Yumul, Jr., ang kanilang "radiation monitoring equipment" sa Tanay, Rizal ang nakasagap ng "increased isotopes mula sa trahedya sa planting nuklyear sa Japan subalit walang anumang panganib ang maidudulot nito sa madla.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>