Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nagluluksa ang mga Obispo sa kamatayan ng tatlong Pilipino sa China; MILF at mga Obispo ng Mindanao, nag-usap

(GMT+08:00) 2011-03-30 17:42:58       CRI
NAGLULUKSA ang mga Obispo ng Pilipinas sa pagkamatay ng tatlong Pinoy sa China na napatunayang nagkasala ng pagpupuslit ng illegal na droga. Kasabay ng pagluluksa, nanawagan ang mga Obispo na nawa'y maging aral sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa na maging maingat.

Ayon kay Cotabato Archbishop Oslando B. Quevedo, dapat lamang malaman ng mga manggagawa ang mga batas sa bansang kanilang paglilingkuran upang makaiwas sa anumang kapahamakan.

Hindi umano mababago ng mga Pilipino ang mga batas sa ibang bansa, sabi pa ni Arsobispo Quevedo na naging pangulo rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Kasabay ng kanyang pakikiramay sa mga naulila ng mga nasawing Pilipino sa China, ipinananalangin rin niya ang kapayapaan ng kanilang kaluluwa. Tiniyak din ng arsobispo ang kanyang taimtim na panalangin para sa mga naghihirap na OFW sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Lubhang ikinalungkot ni Kidapawan Bishop Romulo Dela Cruz ang pangyayari at nagpahayag ng pag-asa na magiging leksyon para sa iba pang mga manggagawa na igalang ang mga batas ng iba't ibang bansa kinalalagyan nila.

SAMANTALA, nagkadaupang-palad ang mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front Peace Panel at mga Obispo ng Mindanao sa isang malayang talakayan tungkol sa mga panukala ng mga Muslim sa pagpapatuloy ng Usapang Pangkapayapaan sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sina Ginoong Melo at Mohagher Iqbal

Pinangunahan ni Ginoong Mohagher Iqbal ang lupon ng MILF samantalang si Davao Archbishop Fernando R. Capalla naman ang namuno sa lima-kataong delegasyon ng mga Obispo ng Mindanao.

Ayon kay Ginoong Iqbal, mahalaga ang bawat pagkakataong makausap ang iba't ibang lupon upang higit na maunawaan ang mga suliraning kinakaharap ng mga Moro sa Mindanao.

Ipinagpasalamat naman ni Arsobispo Capalla ang pagiging bukas ng mga MILF sa talakayan.

Sa pagtatapos ang usapan, sinabi ni Archbishop Capalla na higit na nagkakaunawaan ang mga MILF at mga Obispo sa mahahalagang usapin kaya nga lamang ay mahalaga ring kausapin ng magkabilang panig ang kanilang mga mamamayan at maging ang mga mamamahayag sapagkat hindi maiiwasang magkaroon ng kanya-kanyang interpretasyon ang mga isyu sa Mindanao.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>