|
||||||||
|
||
Longjing Shrimp Meat
Ang mga putahe ng Hangzhou ay bahagi ng Zhejiang Cuisine, isa sa 8 pinakabantog na cuisines sa Tsina. Nagtamo ito ng reputasyon dahil sa pagiging sariwa, malutong at malambot ng mga putaheng masarap sa pang-amoy. Ang mga putahe na gaya ng West Lake Sour Fish, Dongpo Pork, Longjing Shrimp Meat, Jiaohua Young Chickens at iba pa ay kilala at popular sa pawang mga lokal na residente at turista.
Tsaang Longjing
Sa mga ito, pinaka-espesyal ang Longjing Shrimp Meat, dahil gumagamit ng tsaa bilang sangkap ng putahe. Ang mga pangunahing sangkap ng putaheng ito ay buntot ng hipon na inalisan ng balat at Longjing tsaa. Sa pagluluto, lagyan ang shrimp meat ng asin, vetsin, egg white at dried cornstach at haluing mabuti para sa seasoning. Lagyan ng Longjing tsaa ang kumukulong tubig. Pagkaraan ng ilang minuto, itapon ang ibang tea water at magiwan lamang ng kaunting bolyum ng tubig at tea leaves. Igisa ang shrimp meat sa mantika hanggang halos maluto, ibuhos ang magkakahalong tubig at tea leaves at shaoxing wine at pagkatapos, igisa pa ng mga 10 segundo. Isalin sa plato at isilbi. Maganda ang kulay ng putaheng ito na may kaputian ng shrimp meat at kaberdehan ng tea leaves. Masarap din ito kasama ng bango ng tsaa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |