Ang Kongcheng Mijiao o Kongcheng Rice Dumpling ay isang espesyal na uri ng Chinese dumpling na nagsimula sa Kongcheng, isang bayan sa ilalim ng Tongcheng. Katangi-tangi ang dumpling na ito dahil gumagamit ng giniling na glutinous rice, sa halip ng trigo, para gumawa ng pambalot ng dumpling.
Mahigpit ang paraan ng paghahanda ng magagamit na glutinous rice. Dapat ibabad sa tubig ang glutinous rice sa mahabang panahon hanggang lumaki ang mga ito at pagkatapos, gilingin. Gamitin ang giniling na glutinous rice para gumawa ng manipis na dough skin at balutin ang mga tinadtad na karne at gulay na pareho sa karaniwang dumpling o red bean paste na bihirang gamitin sa karaniwang dumpling. Ang paraan ng pagluluto ng rice dumpling ay iba sa karaniwang dumpling, ito ay ini-steam sa halip ng inilalaga. Bago kumain, dapat wisikan ng mainit na mantika ang rice dumpling para hindi ito malagkit sa bibig.