|
||||||||
|
||
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika at iba pa.
Kumusta na? Okay lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okay kayo diyan, okay din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Kumusta kay Let Let Alunan ng Germany. Sabi niya lagi daw niyang binibisita ang website namin at laging pinakikinggan program namin sa webcast o maski sa short-wave radio. Kung ayaw daw mag-audio ang webcast, sa SW radio daw siya nakikinig. May araw daw na malakas ang signal sa SW at may araw ding mahina. Ina-appreciate daw niya ang lahat ng aming mga programa mula sa balita hanggang sa special features.
Maraming salamat, Let Let. Maraming-maraming salamat talaga.
Si Let Let ay dating president ng CRI Filipino Listeners' Club. Sa Germany na siya naninirahan ngayon at kahit wala na ang listeners' club, active pa rin siya sa pagpo-promote ng aming mga programa at aming website sa Europe. Madalas siyang magpadala ng comments at suggestions na patungkol sa aming mga programa at karamihan sa mga suggestions niya ay naisa-alang-alang na namin.
Wala pa akong balita hinggil kay Ruel ng Hard Rock Café. Si Ruel ang lead guitarist ng Hurricane Band na regular na nagpe-perform sa Hard Rock Café. Umuwi siya para magpagamot dahil medyo serious ang sugat niya sa paa. Minabuti niya na sa Pinas na lang siya magpa-ospital para makamura at para na rin may magbantay sa kaniya. Sa ngayon, walang lead guitarist ang Hurricane Band kaya doble-trabaho si Saul, iyong keyboardist. Get well soon, Ruel at more power, Saul.
Sabi ni Marthy ng Mandaue, Cebu, sa 11.110 mghz daw siya naka-tune kung 7:30 ng gabi. Gustung-gusto daw niyang pakinggan ang mag-aral ng wikang Tsino, Cooking Show, Kaalaman sa Tsina at Paglalakbay sa Tsina. Kung makakaipon daw siya ng pera at magkakaroon ng pagkakataon, gusto raw niyang magpunta sa Tsina para bisitahin ang Great Wall, Tian En Men Square at Forbidden City at iba pang tourist spots sa Beijing.
Maraming salamat sa iyong e-mail, Marthy. I'm looking forward to seeing you in Beijing…
Great Wall ng Tsina sa Badaling, Beijing
Isang bahagi ng Tian An Men
Ang popular sa mga turistang dayuhan na Forbidden City
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika at iba pa ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ng 920 950 2716: "Hi, Kuya Ramon! Paano mo ise-celebrate ang Mahal na Araw? Palm Sunday na sa Linggo. Sana makapag-abstain ka naman from smoking, hehehe."
Sabi naman ng 921 378 1478: "Kumusta, Loving DJ? Sana maging loving at sweet ka forever. Ikaw ang idolo at inspirasyon naming lahat. Do take care of yourself."
Sabi naman ng 917 960 6218: "Malapit na Holy Week, Kuya Mon…You will be part of our special prayers. You are always in our hearts and our souls."
Slamat sa inyong mga mensaheng SMS.
"A Little Light, A Little Bright"
(Guang Liang)
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Guang Liang sa kanyang magandang awiting
"A Little Light, A Little Bright." Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Michael Fairy Tale."
Ano kaya ang sorpresa sa atin ng ating movie reporter sa Maynila? Tingnan natin. Super DJ Happy, pasok!
VOICE OF SUPER DJ
Maraming salamat, Super DJ.
"PARADISE"
(JOLIN TSAI)
Iyan naman si Jolin Tsai sa awiting "Paradise," na hango sa collective album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."
Sabi ni Caroline ng carolnene.edwards@gmail.com: "Gusto kong ireport na 3-3-4 SINFO ang signal niyo this past week. Napakinggan ko mga programs niyo at nagustuhan ko iyong Friday mental intercourse niyo."
Salamat, Carol…
Sabi naman ni Fely ng Orani, Bataan: "Kumusta, Kuya Mhon? Regards kay Kuya Rhio at kay Ate Jade. Lagi akong nakaabang sa inyong free-flow program kung Friday at lagi kayong kasama sa 'king everyday prayers.
Salamat, Fely. Talagang kailangan namin dito sa Filipino Service ang inyong prayers.
Sabi naman ni DR. George ng george_medina56@yahoo.com: "Kumusta ba, Ramon? Ina-appreciate ko ang inyong discussion kung Friday evening. Ang rekomendasyon ko lang ay mag-imbita kayo ng resource persons na nasa linya ng inyong subject para maging mas credible ang inyong mga data at figures."
Thank you, Dr. George. Hayaan niyo at isasa-alang-alang namin ang inyong recommendation.
FILL – IN
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika at iba pa. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig. God bless…
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |