Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ni Joshua sa Sichuan--Episode4

(GMT+08:00) 2011-04-21 15:11:00       CRI

Dumayo naman ako ngayon sa Beichuan County ng Mianyang City ng Sichuan. Ang Beichuan ang isa sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol noong Mayo 2008. Dalawa na ang Beichuan dito, Beichuan old town ang tinamaan ng lindol at Beichuan new town kung saan inilikas ang mga naninirahan noon sa Beichuan old town.

Una naming pinuntahan ang Beichuan old town, dito kitang kita ang bakas na iniwan ng matinding lindol. Damang dama ko ang kalungkutan ng mga tao doon nang makita nila ang mga nawasak na gusali, napakatahimik dito hindi tulad nang mga lugar na napuntahan ko kahapon. Nag-alay ang mga bisita ng mga bulaklak bilang paggunita sa panahong iyon. Halos 80% ng gusali dito ang nawasak. Kasama ang Beichuan High School campus ang nawasak na kung saan mahigit 1000 estudyante ang nasawi. Sa kasalukuyan ang Beichuan old town ay isa nalang memorial park kung saan ginugunita ang mga namatay sa lindol. Hindi na inaayos ang nasabing lugar dahil nga mahina na ang lupa dito.

Ang sunod naming pinuntahan ang bagong Beichuan High School na nasa Beichuan New town. At kasalukuyang nakahilera ang mga estudyante na pinapalakpakan ang mga bisita na kung maririnig ninyo habang papasok sa eskwelahan. Halatang halata ang tuwa ng mga kabataan sa pagkita sa mga bisita, lalong lalo na ng makipagkamayan ang mga dayuhan sa kanila. Sa aking paglalakad nakapanayam ko ang isang estudyante na nag-aaral dito, aniya kaisa-isahang eskwela ito sa Beichuan Qiang Ethnic Minority Autonomous County. Noong nakaraang taon lamang ito nabuo. Aniya, nagpapasalamat siya sa mga taong nagbigay ng donasyon para maitayo ang nasabing eskwelahan. Ang development goal ng eskwelahan ay " 3 years to recover, 6 years to improve and 9 years to break through".

Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na makadayo sa inauguration ng Ba Naqia Commercial Street ng Beichuan. Hindi mahulugang karayom sa dami ng tao na dumalo dito Kasalukuyang nagbibigay ng paunang mensahe si Wu Jingping Secretary of CPC Mianyang Municipal Committee at Director of Standing Committee of Mianyang People's Congress at ang malaking pintuan papasok ay sirado pa sa oras na ito. Aniya, Tumaas ng 35.8% ang turistang dumayo dito noong nakaraang taon na may 11.943 milyon ang dami. Nagpapasalamat ito sa mga tumulong pondohan ang rekunstruksyon ng mga lugar matapos ang lindol.. (Audio 21 10:30, 23)Matapos nito ay unti-unti nang bumukas ang higanteng pintuan papasok ng Ba Naqia at sa loob nito'y mga lokal na residente na nasasabik na makita ang mga bumisita. Maganda ang paggawa sa mga gusali dito, ramdam mo ang tradisyonal na Tsina kahit na bagong gawa ang mga gusali. Ang mga lokal na residente dito ay nagkakantahan at nagsasayan bilang pagwelkom sa amin. May dragon dance pa nga.

Sumunod naman ang pagdalo naming sa opening ceremony ng Mianzhu Tourist Center na pinondohan ng industriya ng turismo sa buong daigdig. Sa kasalukuyan naririnig natin na nagbibigay ng mensahe ang mga opisyal mula sa iba't ibang organisasyon. At isa sa mga nagbigay ay si Mr. Lan Kaichi, Myembro ng CPC deyang Municipal Standing Committee and Secretary –general of CPC Mianzhu Municipal Committee, Iniaabot niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng lider at mga kaibigan na sumuporta at tumulong sa pagbuhay sa MIanzhu Municipality. Mayroon ng 2 AAAA tourist Attraction ang Municipality ng Mianzhu, ang Nuanhua Village at ang Jiulong Mountain Countyrside Tourism Scenic Area. Aniya ang Mianzhu ay bukas sa pag-unlad sa pamamagitan ng Turismo.

Matapos niyo agad kaming pumanhik sa kotse papunta sa Nianhua Village, isa sa mga 2 AAAA tourist spot dito. Ang Nianhua ay mga litrato na iginuguhit sa pagsapit ng bagong taon. Isa sa mga pamosong lugar sa pagguhit nito sa Tsina ay ang Municipality ng Mianzhu. Napaka makulay ng mga ito. Hindi siya normal na pagguhit lamang, sabi nila dati daw hindi marunong lumaban ang mga tao sa gobyerno kaya kumakalaban sila sa pamamagitan ng pagguhit na sumasalamin sa sitwsyon noon.

Namigay ang mga lokal na residente dito ng mga nianhua sa mga bisita. Dito'y maaari ka ding bumili ng mga souveniers na gawang kamay ng mga lokal na residente. Ang karamihan sa mga ito ay may kinalaman sa pagguhit.

Sa aking mga nakita, noong ikalawa at ikatlong araw ko dito sa Sichuan, malaki talaga ang pinagbago ng mga lugar na tinamaan ng linodl matapos ito maganap noong 2008. Sa aking palagay kung sa Pilipinas ito nangyari ciguro tatlong taon na ang nakalipas maaaring hindi pa din ito naaayos ng mabuti. Sana maging handa ang Pilipinas sa anumang kalamidad sa kinabukasan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>