Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ni Joshua sa Sichuan--Episode 5 

(GMT+08:00) 2011-04-22 18:22:29       CRI

Sa aking huling araw sa Sichuan ako'y dumalo sa International Forum on Post Earthquake Tourism Recovery. Reconstruction, Development and Revitalization na ginanap sa Jin Jiang Hall, Jinjiang Hotel Chengdu. Sa porum na ito na inihati sa tatlong bahagi, tinalakay hindi lamang ang mga natamo ng probinsya matapos ang rekonstruksyon ng mga lugar na tinamaan ng kalamidad ,tinalakay din ang iba pang mga oportunidad sa pag-unlad ng turismo sa probinsyang Sichuan.

Ilan sa mga pangunahing tagapagsalita ng nasabing porum ay si G. Zoltan Somogyi, executive Director ng World Tourism Organization(WTO),. G. Wang Zhifa, ang kasalukuyang Vice Director ng National Tourism Administration ng Tsina, Si Gng. Huang Yanrong, ang Bise Gobernador ng Probinsyang Sichuan People's Government at si G. Erik Petersen, isang experto mula sa World Tourism Organization. Mula sa kanilang mga talumpati, iisa ang pinakideya ng mga ito, "Sichuan has made the impossible possible". Ayon kay G. Petersen hindi nila inaasahan na magagawa ng Sichuan sa loob lamang ng tatlong taon matapos maganap ang malakas na lindol ang ganitong klaseng resulta ng rekonstruksyon. Hindi lamang naibalik ng Sichuan ang mga bahay ng mga mamamayan tulad nalang ng Beichuan at Wenchuan, ginawa pa nila itong lugar bilang mga tourist spots ng Sichuan. Sa ganitong paraan, maipagpapatuloy nila ang lalo pang pagbubuti ng mga lugar na ito sa pamamagitan ng turismo at naipapaganda pa nila ang kabuhayan ng mga residente.

Naimbitahan din ang mga esksperto sa larangan ng turismo upang magbigay ng kanilang sari-sariling opinyon hinggil sa turismo ng Sichuan. Ilan sa mga ito ay si G. Yang Zhenzhi , Chairman ng Chengdu Yangzhenzhi Veni Tourism Developement Co. Ltd, Executive president and secretary general ng International Resorts and Vocational Society (IRVS) na nagbigay din ng talumpati na pinamagatang The Post Quake Receovery and Reconstruction in Wenchuan of Sichuan in the Light of Tourism Functional Zone Planning, Si G. Jitsuro Kawasaki, isang pamosong tagapagplano ng advertising ang publisizing campaigns na nagbigay ng opinyon hinggil sa pagrekober ng Hapon matapos ang naganap na lindol dito, aniya, pagdarasal, sympatya at kaligayahan ang susi sa paghimok sa mga turista at iba pa. Sila ay nagbigay ng kani-kanilang mga opinion at kritisismo hinggil sa turismo ng porbinsya at nagpahayag ng mga oprtunidad ng pag-unlad ng nasabing porbinsya.

Naghihintay sa paliparan ng Chengdu pabalik ng Beijing

Ang pinakahuling bahagi naman ay ang pagbibigay ng maikling mensahe ng mga dayuhan hinggil sa turismo ng probinsyang Sichuan. Isa sa mga nabigyan ng pagkakataon upang magpahayag ng saloobin ay mula sa Egypt Department ng CRI na si Mulung. Aniya, ramdam niya ang malaking pagbabago ng mga lugar na natamaan ng lindol ng Sichuan. Matapos ang rekunstruksyon halos walang bakas ng lindol na siyang makita. Aniya, ang Sichuan ay isa sa magandang porbinsya ng Tsina na talaga nama'y karapat dapat lamang ipagmalaki.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>