|
||||||||
|
||
Magandang-magandang gabi ng Labor Day. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo diyan? Kung okay kayo diyan, okay din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito, dahil kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh!
Nami-miss ko ang makukulay na bulaklak sa paligid-ligid ng Beijing sa panahon ng spring. Dati kasi marami iyang mga bulaklak na iyan— yellow, red, blue, purple, pink at kung anu-ano pa. Ang sarap-sarap naman talaga kasi sa mata, eh. Siguro, dumalang dahil sa epekto na rin ng climate change. Isa iyang mga bulaklak sa pinakamagagandang tanawin sa Beijing in springtime.
Makukulay na bulaklak sa
Sabi ni Pomett Sanchez ng Maynila, hindi lang daw Chinese art ang kaniyang kinagigiliwan. Giliw na giliw din daw siya sa Chinese food. Kaya daw tuwing maririnig niya ang Cooking Show namin, hindi raw mailarawan ang kaniyang katuwaan. Matagal na raw niyang sinusubaybayan ang Cooking Show ng Serbisyo Filipino.
Iba't ibang porma ng Chinese art
Sa kaniyang sulat, hiniling din ni Pomett na kung maari, gawin sanang regular ang Cooking Show na ito at sana raw padalhan siya ng kopya ng recipe para kung hindi niya makuha nang buo ang programa, meron din siyang hard copy.
Bukod kay Pomett, marami pang ibang tagapakinig, lalaki at babae, ang nagpapaabot ng kanilang pagbati sa aming Cooking Show. Puwede naman daw pala kaming magturo ng pagluluto sa radyo. Sa lahat daw ng mga bagay na Chinese, ang art, food at music daw ang kanilang pinakagusto.
Sabi naman ni Lucas Baclagon ng Saudi Arabia, buti pa raw ang Beijing at may CRI Filipino Service. Naririnig daw niya na kinakapanayam ng Filipino Service ang mga Pilipino sa Beijing at para siyang naiinggit dahil may pagkakataon sila na ipaalam ang kanilang mga kalagayan sa Tsina. Sa kanila raw, sa Saudi, walang ganitong serbisyo kaya wala kang maririnig na balita hinggil sa kanila at wala silang pagkakataon na makipag-ugnayan sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng himpapawid.
Serbisyo Filipino in action: kinapanayam si Francisco Benedicto, dating Embahador ng Pilipinas sa Tsina
Sabi niya, noon daw, siya lang sa kanilang tropa ang nakikinig sa Serbisyo Filipino. Pero nu'ng makita siya ng kanyang tropa na palaging nakikinig dito at nakikipag-usap pa minsan sa telepono sa akin, lahat daw gumaya. Nakakabawas daw kasi ng homesickness ang pakikinig nila sa amin. Nagaganyak daw na mag-participate ang listeners dahil naririnig nila mismo ang kanilang mga boses.
Maraming salamat sa iyong e-mail, Lucas. Ganundin sa iyo, Pomett.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ng 918 229 1164: "Happy Labor Day sa inyong lahat! Papurihan natin ang lahat ng mga manggagawa sa buong mundo. Sila ang gulugod ng ating kabuhayan.!
Sabi naman ng 917 483 2281: "Labor Day greetings sa Filipino Service at sa iyo, Kuya RJ. Tayo ay masasabi na ring kabilang sa uring manggagawa!
Sabi naman ng 919 426 0570: "Ngayon ay araw ng paggawa. Mabuhay ang lahat ng mga manggagawa, lalo na ang mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat!"
Salamat sa inyong text messages. Happy Labor Day din sa inyo!
"BLUE WINDSTONE"
(JAY CHOU)
Narinig ninyo si Jay Chou sa kaniyang awiting "Blue Windstone," na lifted sa album na pinamagatang "November's Chopin 11."
Heto na. Heto na ang pinakahihintay ninyong lahat—Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
VOICE OF SUPER DJ
Salamat, super DJ!
"DAWN"
(NAN QUAN MAMA)
Iyan naman ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Dawn," na hango sa kanilang album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Sabi ng 917 492 6664: "Kuya Ramon, sama naman ako sa iyong request and dedication portion. Wonderful Tonight ni Eric Clapton at Shanghai Breezes ni John Denver."
Sabi naman ng 921 342 5539: "Mahirap magalit nang walang dahilan, mahirap umintindi ng hindi mo maintindihan, mahirap masaktan ng wala kang karapatan, pero dib a mas mahirap magmahal sa taong ang turing sa iyo ay di mo alam?"
Sabi naman ng 910 552 9709: "Bigyan mo naman ako ng sample ng Beijing Music. Ayos ba iyon sa format ng program mo?
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS!
FILL-IN
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |