Isang maikling programa tungkol sa Nan Luo Gu Xiang
(GMT+08:00) 2011-05-05 15:02:09 CRI
Marami sa mga kaibigan kong Tsino ang nagsasabi na ang lunsod daw ng Beijing ay isang panturismong lunsod. Maliban daw sa mga kilalang tourist spots na gaya ng Tianamen Square, Forbidden City, at Great Wall of China, marami pang ibang magagandang lugar sa Beijing na nagpapakita ng tradisyunal na pamumuhay ng mga Tsino, gaya ng mga "hutong" na ang ibig sabihin ay sinaunang lansangan, kung saan, magkakasamang namuhay ang mga taga-Beijing noong unang panahon. Siyempre, bilang isang mamamahayag, naging interesado na naman ang inyong lingkod. Muli, bitbit ang aking kamera, dali-dali kong pinuntahan ang isa sa mga "hutong" na ito. Heto po at tunghayan natin ang kuwento ng Nan Luo Gu Xiang. Ito po si Rhio, at ito ang "Mga Kuwento ng Tsina Mula sa Likod ng aking Kamera."
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig