Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-41 2011

(GMT+08:00) 2011-05-09 18:58:05       CRI
 

May 8, 2011 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okay kayo diyan, okay din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e!

Ngayon ay ika-8 ng Mayo, second Sunday ng buwan, Mothers' Day. Happy Mothers' Day sa lahat ng mga ilaw ng tahanan, lalung lalo na sa pinakamamahal kong mader. Maligayang bati sa inyo, mommy! Kumusta ka na? Lagi kong dasal na manatili kang malakas, malusog at masaya. Ganun din ang dasal at wish ko sa lahat ng mga iba pang mader na nakikinig ngayon.

Sabi ng mga pilosopo, dapat daw nating mahalin ang ating mga nanay dahil minsan lang daw tayo ipanganak at minsan din lang tayo puwedeng magkaroon ng tunay na ina. Tama din ang logic, ano, ha?

Pero, para sa inyong lingkod, dapat nating mahalin ang ating mga nanay dahil ito ay isa sa mahahalagang kautusan ng ating Panginoon. Sino ba naman tayo para sumuway sa kaniya?

Sabi ng e-mail ni Celis Delfino ng BF Homes Paranaque: "Dear Kuya Ramon Jr., kumusta na ang aming loving, well-loved at lovely DJ? Kumusta sila sa Filipino Department ng China radio?Sana, lahat kayo ay nasa okay, super-okay, na kondisyon. Kami dito, okay naman—hindi lang super. Alam mo na, laging may ganun at ganitong balita, nakakalula…Since early 1990's nang magsimula akong makinig sa inyong service, pero, bago ang panahong iyon, nakikinig na ako sa iba't ibang istasyon sa short-wave. Malayo na rin ang narating ng inyong Filipino Service, maski ang inyong programa sa Ingles. At dahil din sa mahabang panahong pakikinig ko sa inyo, marami na rin akong natutuhang salitang Tsino at maraming nalamang bagay hinggil sa iba't ibang aspects ng Chinese culture—calligraphy, Chinese painting, Chinese traditional medicine at music, at more recently, cyber culture.m Noon, mga balita lang ang napapakinggan ko sa wikang Filipino. Ina-appreciate ko ang pagpapalaganap ninyo, hindi lamang ng Chinese culture, kundi maski Filipino language. Ngayon, dahil sa magic ng cyber space, mas lalong mabilis ang pagpapalaganap. Mas makakaabot kayo sa malalayong lugar ng mundo. Lahat ng mga ipinadadala ninyong regalo ay itinatabi ko at iyong mga souvenir items ng China Radio International idini-display ko katabi ng mga nari-receive ko from other stations. Type na type ko ang inyong Cooking Show at Gabi ng Musika. Kahit hindi pa ako nakakarating ng China, nakakatikim na rin ako ng lutong Chinese sa pagsunod ko lang sa inyong recipe at natututuhan ko ang pakikinig sa Chinese music. I'll keep on tracking and may you have more good programmings to come. Celis Delfino / BF Homes Paranaque / Metro Manila, Philippines.

Salamat sa iyong e-mail Celis. Kung nagpe-face book ka, maari mong i-add ang aming address na filipinoservice@gmail.com para magpatuloy ang ating pag-uugnayan sa web.

Mga baby panda

Sabi naman ng e-mail ni Myrna ng Atimonan, Quezon: "Kuya Ramon, sabi mo, kung okay kami, okay ka rin. Ganundin ang bati ko sa iyo at idagdag pa natin ang tanong na "Mataba ka na ba?" Hindi naman iyong sobrang taba. Iyong tama lang. Hanga ako sa charisma mo. Hindi ka ba nauubusan ng idea? Sabi nila may saturation point daw ang creativity, pero, parang wala sa iyo. Laging may lumalabas na bago. Sige lang. Ituloy mo lang ang paggawa ng magagandang programs at laging nasa likod mo kami. Hinahangaan ko ang pamamalakad ng China sa ecological protection. Bawat hakbang na ginagawa nila lagi nilang iniisip kung makakaapekto sa ecological balance. Hindi nila pinababayaang umiral ang mga programa na alam nilang makakasira sa ecological balance. Maski malalaking kompanya kung malakas mag-produce ng pollutants kinakasuhan. Kapuri-puri ang mga aksiyon ng China sa pangangalaga sa water resourses... Siyempre, dapat din nating isipin kung may matitira pang tubig para sa mga ipanganganak sa darating na panahon. Baka kahit isang patak wala na. Marami akong pangarap sa buhay. Ang isa sa mga ito ay makapunta sa China. Gusto kong makita ang mga matulain, makasaysayan at kaibig-ibig na lugar ng China. Gusto kong. ma-trace ang haba at pinagmulan ng mahabang-mahabang siibilisasyong Tsino. Kaya lagi akong sumasama sa inyong "Paklalakbay sa Tsina," Kung makakapunta ba ako sa China, magkikita ba tayo? Sige, pataba ka. Mas gusto kong makitang mataba ka at malusog. Till next time.—Myrna Gutierrez / Atimonan, Quezon, Phils.

Maraming salamat, Myrna. Napipiho ko na meron kang facebook account. Puwede mong i-add ang aming address na filipinoservice@gmail.com para sa mga iba pang detalye ng programang ito at iba pang programa ng Serbisyo Filipino.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Narinig ninyo ang magandang awiting "Digital Life," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Eason Chan. Iyan ay hango sa album na may katulad na pamagat.

Wow, report na report na si super DJ. Okay, super DJ Happy, pasok!

Mga souvenier items ng CRI

Iyan naman ang "Are We Still in Love?" na inawit ni Jacky Cheung. Ang track na iyan ay hango sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"

Sabi ng 917 401 3194: "Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay sa Pilipinas at anywhere else. Mahirap maging nanay at ang inyong duty ay mabigat na mabigat!"

Sabi naman ng 921 348 2588: "Ngayon ay araw ng mga mader. Mabuhay at maligayang bati sa lahat ng mader. Mahalin natin ang ating mga nanay para akyatin tayo ng biyaya."

Sabi naman ng 910 921 7733: "Maligayang bati sa mga tanging ina, mga dakilang ina, mga ipinagmamalaki naming ina. Kayo ay tunay na mga ilaw ng tahanan."

Salamat sa inyong mga SMS…

FILL – IN

At diyan nagtatapos ang edition sa araw ng ito ng Gabi ng Musika atbp. Muling ipinaaalala ko sa inyo na kung kayo ay nagpe-facebook, puwede ninyong i-add ang aming address na filipinoservice@gmail.com para sa pagpapatuloy ng ating pag-uugnayan sa web. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig at God bless…

>> To blog ni Kuya Ramon

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>