Ang Stewed Noodle o Hui Mian ay isang katangi-tanging putahe ng noodle sa Henan. Magkakaiba ito sa mga karaniwang noodle, dahil ito ay kinakain kasama ng sabaw ng karne, lalung-lalo na ng karne ng tupa, at mga sangkap na gaya ng karne ng tupa, sea weed, bean curd, coriander, black fungus at iba pa na nagdaragdag ng lasa sa noodle.
May isang kuwentong pangkasaysayan hinggil sa pinagsisimula ng Hui Mian. Noong sinaunang panahon, may isang matatanda na mahilig sa pagkain ng noodle. Noong may-sakit siya, hindi dapat kumain siya ng matabang putahe at gusto niyang kumain ng noodle. Pero inisip ng kanyang pamilya na walang sustansiya ang karaniwang noodle, kaya sinubok nila ang pagluluto ng noodle kasama ng sabaw ng karne ng tupa. Masustansiya ito, pero hindi mataba. Pagkaraang kumain ng noodle na ito, mabilis na gumaling ang matatanda at ipinangalan niya sa noodle na ito na Hui Mian.
Balik sa aking blog>>